Matapos ang dalawang oras na pagpupulong, inaprubahan ng Konseho ng mga Ministro ngayong gabi ang bagong anti-Covid decree na naglalaman ng karagdagang paghihigit upang mapigilan ang pagkalat ng Omicron variant.
Nasasaad sa dekreto na mandatory o obligado na magpabakuna kontra Covid19 ang mga over 50s sa Italya.
Bukod dito ay nasasaad din ang pagpapalawig ng Super Green pass sa ilang sektor.
Samantala sa pagpasok sa mga mall o centri commerciali, mga shops at mga bangko at ang access sa ilang serbisyo tulad ng mga hairdresser at beauticians ay sapat na ang Basic Green pass. (PGA)