in

Bakuna kontra Covid19, para din sa mga caregivers!

caregiver ako ay pilipino

Hindi lamang para sa mga medical staff at mga matatanda. Isama din sa priyoridad ang mga caregivers na nag-aalaga ng mga matatanda na non-autosufficienti.

Ito ang panawagan ng Assindatcolf o Associazione dei Datori di Lavoro Domestico, sa Governo at Commissario per l’Emergenza Covid19 Domenico Arturi sa ginagawang pagpa-plano sa magiging distribusyon ng bakuna kontra Covid19.

Tama ang pagbibigay priyoridad at konsiderasyon sa mga taong ‘fragile’ at ‘exposed’ sa virus, dahil dito, ang mga caregivers ay hindi dapat excluded”, ayon kay Presidente Andrea Zini. 

Aniya, may humigit kumulang na 850,000 regular domestic workers sa bansa at kalahati ng bilang na ito ay mga caregivers, bukod pa ang mga undocumented na tinatayang 60% ng kabuuang bilang. Samakatwid, may halos 1 milyong caregivers ang nag-aalaga ng mga matatanda. “Isang kategorya na nangangailangan din ng proteksyon, isang kategorya na kadalasan ay nalilimutan”, pagtatapos ng president. 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

paano magpapagaling sa bahay

Sintomas ng Covid19? Narito kung paano magpapagaling sa bahay

permesso-lungo-soggiornanti-ako-ay-pilipino

Conversion sa Lavoro Subordinato at Autonomo ng Decreto Sicurezza