Inirerekumenda ng Assindatcolf sa mga pamilya na nangangailangan ng tulong ng mga colf, baby sitters at care givers na ilagay bilang isang requirement sa mga bagong kontrata ang pagiging bakunado kontra Covid 19 at samakatwid ang pagkakaroon ng Green Pass. Ito umano ay dahil sa uri ng gawain at peligro na haharapin ng employer at ng kanyang pamilya, partikular sa pag-aalaga ng mga may kapansanan at karamdaman.
Ito ang naging deklarasyon ni Andrea Zini, ang president ng Assindatcolf, isa sa mga national asossiation ng mga employers sa domestic job.
Basahin din: Matatanda, hiling na gawing mandatory ang bakuna kontra Covid19 sa mga colf at caregivers
Green Pass, mandatory sa Italya simula sa August 6. Narito ang FAQs.
“Sa Italya – ayon pa kay Zini – ay mayroong humigit-kumulang na 920,000 regular na mga domestic workers, kung saan higit sa 437,000 ay mga care givers at nag-aalaga sa mga matatanda at mga non-autonomous dahil sa edad o dahil sa kapansanan. Karaniwang hindi nasusunod ang social distancing at hindi rin nakakagamit ng personal protection tulad ng mask. Sa layuning maproteksyunan ang mga physically fragile ay naniniwala kaming isang tungkulin ng mga manggagawa sa sektor (care givers at health operators) ang mabakunahan. Sa pag-asang ang kundisyong ito, tulad ng binanggit ng undersecretary para sa kalusugan na si Andrea Costa, ay matupad“.
Bilang pagtatapos, paalala ng presidente sa mga employer na mayroong colf, caregiver o baby sitter na ayaw magpabakuna, na sa domestic sector ay palaging malayang tapusin ang rapporto di lavoro sa kundisyong susundin ang araw ng abiso. (Source: Assindatcolf)