Aprubado ang vaccination plan na inilahad ni Emergnecy Commissioner Domenico Arcuri kamakailan. “Sa mga unang araw ng Enero ay magsisimula ang mass vaccination”. Ang Commissioner ay magpapadala ng tila instructions para sa bakuna at bago magtapos ang linggong ito ang mga indikasyon para sa proseso ng pagbabakuna. Magpapadala ng 90% ng mga requested doses dahil kinalkula na hindi magpapabakuna ang 100% ng mga health staffs.
Ang unang 1.833,975 na dosis ay hahatiin sa mga rehiyon:
Abruzzo – 25,480
Basilicata – 19,455
Calabria – 53,131
Campania – 135,890
Emilia Romagna – 183,138
Friuli VG – 50,094
Lazio – 179,818
Liguria – 60,142
Lombardia – 304,955
Marche – 37,872
Molise – 9,294
PA Bolzano – 27,521
PA Trento – 18,659
Piemonte – 170,995
Puglia – 94,526
Sardegna – 33,801
Sicilia – 129,047
Toscana – 116,240
Umbria – 16,308
Valle d’Aosta – 3,334
Veneto – 164,278
Inaasahan na mababakunahan laban Covid19 ang mga unang Italians makalipas ang Pasko at sa pagpasok ng bagong taon kung ang EMA ay magbibigay ng pahintulot sa Dec 21 at hindi sa Dec 29 tulad ng unang inanunsyo. Ito ang naging kahilingan ni Health Minister Roberto Speranza, kasama ni European Commission President Ursula von der Leyen na nag-anunsyo na marahil ang mga unang Europeans ay mababakunahan bago magtapos ang taon. Sa mga susunod na oras ay itatalaga ng Europa ang bilang ng mga unang babakunahan sa Vaccine day, o ang simbolikal na araw ng pagbabakuna, batay sa bilang na maibibigay ng Pfizer.
“Ang bakuna ay isang malaking hamon sa mga susunod na buwan” ayon kay Roberto Speranza. “Isang magandang balita ang pagkakaroon ng epektibong bakuna. Kasama ang ibang mga Health Ministers ng 7 European countries, kasama ang France at Germany na simulan ang bakuna ng Disyembre. Kailangan pa rin ang pag-iingat sa mga susunod na buwan, hanggang hindi pa natin naaabot ang sapat na coverage ng bakuna”, pagtatapos ni Speranza.
Basahin din:
- Primrose, simbolo ng kampanya para sa Bakuna laban Covid19
- “Mga migrante, babakunahan din laban Covid19 katulad ng mga Italians” Commissioner Arcuri
- Bakuna kontra Covid19, isa bang obligasyon?
- Bakuna laban Covid19, higit 20 milyon doses sa Italya hanggang Hulyo