in

Bakuna laban Covid19, higit 20 milyon doses sa Italya hanggang Hulyo

bakuna laban Covid19 Ako Ay Pilipino

Ang malawakang pagbabakuna o ang mass vaccination sa Italya ay inaasahang magtatapos sa pagitan ng Summer at Autumn season sa susunod na taon. Gayunpaman, hindi ito nangangahulugan na ang unang mga resulta nito ay hindi maaaring makita nang mas maaga. Sa Hulyo, inaasahan na hindi bababa sa 20 milyong katao sa Italya ang mababakunahan.

Ang mga unang babakunahan ay ang sanitary operators at ang mga matatanda kasama ang mga residente sa mga RSA. Ito ang kinumpimra ni Health Minister Roberto Speranza sa paglalahad ng ‘piano’ o plano ng pagbabakuna ng Italya sa Senado kahapon. Nanatiling intensyon ng gobyerno ang gawin ang pagbabakuna na kusang-loob o boluntaryo at hindi obligado. Ang bakuna ay libre para sa lahat. 

Gayunpaman, ang petsa ng disturbusyon ng mga dosages sa Europa ay batay sa dalawang mahahalagang petsa mula sa European Medicine Association o EMA: December 29, ang awtorisasyon sa Pfizer-Biontech at January 12, ang awtorisasyon sa Moderna. Pagkatapos nito ang distribusyon. 

Sa website ng Ministry of Health, ay inilathala ang inaasahang kalendaryo ng distrubusyon ng bakuna, sa pag-asang lahat ay magkakaroon ng awtorisasyon sa mga petsang nabanggit. Ang kabuuang bilang ay: 202,573,000 doses. Ayon sa kalkulasyon, sa Hulyo ay inaasahang higit sa 20 milyon ang mga doses, at ang mabukahan ang malaking bilang sa bansa bago ang pagsapit ng Hulyo ay maituturing na isang tagumpay. 

Ayon kay Sergio Romagnani, dating propesor ng immunology at emeritus professor ng University of Florence, ay maaaring malapit na ang Italya sa isang secured zone sa Spring. Aniya, “Kung makakayang bakunahan ang 4.4 milyong mga over 80s, pagkatapos ay ang mga over 70s, hindi lamang nakapagligats tayo ng mga buhay, ngunit nabawasan din ang bigat na dulot ng covid19 sa mga ospital at ICUs. Idagdag pa natin ang security ng mga sanitary operators mula sa mga duktor at nurses”

Gayunpaman, nananatiling may katanungan matapos ang mga awtorisasyon, distribusyon, kalkulasyon at pagpapatupad ng ‘piano’ ng mass vaccination:

Hindi pa rin alam ang haba ng immunity na hatid ng bakuna, marahil ay kailanganin ang ulitin ang mass vaccination taun-taon, at kailangang panatilihin ang malawak na makinarya para sa isang organisasyong kumplikado at nangangailangan ng malaking halaga.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Ako Ay Pilipino

FILCOM Genova, kapit-bisig na tinulungan ang mga nasalanta ng bagyo

cashback Ako ay Pilipino

Cashback, ano ito?