in

Bakuna laban Covid19, isang nurse ang unang tatanggap sa Italya

Ako ay Pilipino

Isang babaeng nurse ang tatanggap ng unang bakuna laban Covid19 sa Italya sa itinakdang Vaccine Day ng Europa sa Dec 27. Pagkatapos ay isang socio-sanitary operator (OSS), isang researcher at dalawang doktor.Sila ang unang limang babakunahan sa bansa, ayon sa anunsyo ng Istituto Nazionale di Malattie Infettive Lazzaro Spallanzani. 

Bakuna laban covid19 Italya Ako Ay Pilipino

Basahin din:

Batay sa kahilingan ni Emergency Commissioner Domenico Arcuri, ay agarang hinanda ng Institute ang distribusyon ng mga bakuna laban covid19 ng Pfizer. Inaasahang darating ang mga bakuna sa Italya ng Dec 24. Ito ay pangangalagaan sa isang hub ng Spallanzani ng mga militar. Ang mga dosis, pagkatapos ay ipamamahagi sa 21 itinakdang lugar sa bansa.

Matatandaang binigyan ng European Medicines Agency o EMA ng awtorisasyon ang Pfizer-Biontech kahapon, Dec. 21. (PGA)

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Italya zona rossa December 31 Ako ay Pilipino

Autocertificazione, kailan gagamitin sa ilalim ng Decreto Natale?

zona rossa Italya Ako Ay Pilipino

Zona rossa: Ilang katao ang maaaring imbitahan sa sariling tahanan?