Ang bakuna laban Covid19 ng Astrazeneca ay nasa Anagni na, isang lugar malapit sa Roma.
Ito ay ayon kay Lorenzo Wittum, ang legal representative ng Astrazeneca Italia.
“May validity ng 6 na buwan, maaaring ilagay sa ref sa temperature na -2-8° at nagkakahalaga lamang ng halos € 3”.
“Ilang litro ng bakuna (na ginawa ng Oxford Jenner Institute at Istituto di recerche biomediche) ay nasa Anagni na, malapit sa Roma at naghihintay na lang sa aming partners, Catalenti”.
Ang Astrazeneca ay pumirma na rin ng kasunduan sa EU para sa pagdating ng bakuna.
“Inihahanda namin ang dokumentasyon para sa European Medical Association o EMA. May 6-10 milyon mga datos ang susuriin na tumutukoy sa lahat ng mga lumahok at lahat ay nakatala sa eksperimento. Matapos namin itong ipadala sa EMA ay kailangan bigyan ito ng panahon upang ang mga ito ay masuri. At kapag natanggap na ang awtorisasyon ay tatapusin ang paggawa ng 3bilyong dosages. Kami ay nagsimulang kumilos noong nakaraang Mayo pa.
Ang pagiging epektibo ng 90% ay napakahalaga ngunit kahit ang 70% ay isa pa ring pambihirang resulta. Wala sa mga nabakunahan ang nagkaroon ng malalang sintomas at wala ring na-ospital. Nangangahulugan ito na, kahit magkaroon ng impeksyon, ay may protesyon ng bakuna”, pagtatapos ni Wittum.