in

Bakuna laban Covid19 sa mga Pharmacies, aprubado na!

Bakuna laban Covid19 sa mga Pharmacies

Aprubado na ang pagbabakuna laban Covid19 sa mga Pharmacies. Ito ay matapos pirmahan ni Health Minister Roberto Speranza ngayong araw ang kasunduan ukol sa pagbabakuna sa mga parmasya. “Nilagdaan ko lang ang kasunduan sa mga Rehiyon at mga pharmacists upang ligtas na masimulan ang pagbabakuna sa mga parmasya sa Italya. Ang kampanya sa pagbabakuna ay ang tunay na susi upang matapos ang paghihirap na hatid ng Covid19. Ngayong araw ay isang mahalagang hakbang upang lalong mapabilis at mapalawak ang pagbabakuna”, aniya

Ang kasunduan ng pagbabakuna ng mga parmasya ay magsisimula sa pamamagitan ng isang angkop na kurso – maliban sa ilan kategorya tulad ng ‘high vulnerability o ang pagkakaroon ng severe allergic/anaphylactic reaction sa nakaraan‘. Mayroong professional fee ito na nagkakahalaga ng €6. 

Liguria, magsisimula na

Ayon sa ulat ng Repubblica, ang unang Rehiyon na nagpatala ay ang Liguria kung saan posible na magpabakuna laban sa Covid19 simula ngayong araw. Sa kasalukuyan, mayroong 52 mga parmasya kung saan magbabakuna ang mga duktor o authorized health worker. “Kailangang mabakunahan ang marami sa mabilis na paraan”, ayon kay Liguria president, Giovanni Toti. 

Lazio, naghahanda na! 

Samantala, halos isang libong mga parmasya naman sa Lazio region ang nagsabing sila ay makakapagbakuna laban covid19. Ang hangarin ay ang maging handa ang mga parmasya sa paraan ng distribusyon at paraan ng booking upang maging handa sa Abril sa pagdating ng mga single dose antiCovid19 vaccines na Johnson& Johnson

Johnson & Johnson vaccine sa Italya 

Sa katunayan, inaasahan hanggang sa Abril 19 ang pagdating sa Europa ng bakunang Johnson & Johnson. Ito ang ika-apat na anti Covid vaccine na pumasok sa European Union matapos ang Pfizer, Moderna at AstraZeneca. Ito ay pinakahihintay ng marami dahil ito ay single dose, hindi katulad ng tatlong naunang bakuna na nangangailangan ng ikalawang dosis. Sa Italya, batay sa kasunduan, ay 7.3 milyong dosis sa second quarter at 15.9 dosis naman sa third quarter.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Ako Ay Pilipino

Mga pagbabago sa mga restriksyon, inanunsyo ni Premier Draghi

Bagong dekreto, inaasahan para sa buwan ng Abril