in

Bakuna Vaxzevria AstraZeneca laban Covid19, ang Circular ng Ministry of Health

Bakuna Vaxzevria AstraZeneca laban Covid19

Patuloy ang pagdami ng mga kanselasyon sa ikalawang dose ng bakuna Vaxzevria, ang dating kilala sa tawag na AstraZeneca. Sa pamamagitan ng isang Circular ni Health Minister Roberto Speranza na ipinadala sa mga Rehiyon, institusyon at mga asosasyon, ay kinukumpirma na ang Vaxzevria ay safe sa kalusugan at aprubado para sa pagbabakuna mula 18 anyos laban Covid19. Samakatwid, “ang sinumang nakatanggap ng unang dose ng Vaxzevria, ay maaaring kumpletuhin ang ikalawang dose nito“. Bukod dito, ay hindi pa alam kung makukumpleto ang proteksyon laban Covid19, kung ang ikalawang dose ay hindi kapareho ng nauna, tulad na nasusulat sa package insert ng nabanggit na bakuna. 

Kahit ang EMAEuropean Medicines Agency ay inuulit na higit ang mga benepisyong hatid ng Vaxzevria AstraZeneca kaysa sa panganib. 

Kaugnay nito, binago ng EMA at muling naglathala ng mga pinakabagong resulta ng mga pagsusuri ukol sa bakunang Astrazeneca. Kabilang sa impormasyong inilathala ay ang evaluation ng panganib tulad ng mga sintomas ng thrombosis.

Napagpasya ang Commission on Security ng EMA (PRAC) na ang mga hindi pangkaraniwang pamumuo ng dugo na may mababang platelet ay dapat na kasamang nakalista bilang pambihirang side effect ng Vaxzevria. Gayunpaman, pina-alalahanan ng EMA ang mga health operators at ang mga babakunahan na dapat ay may kaalaman sa posible, bagaman napakabihirang posibilidad ng pamumuo ng dugo kasama ng mababang antas ng platelet sa loob ng 2 linggo matapos ang pagbabakuna.  

Narito ang mga sintomas na hindi dapat ipagwalang bahala at ayon sa mga eksperto ng EMA, kung ang mga sumusunod ay mararamdaman ay huwag mag-atubiling tumawag ng duktor. Ang mga sintomas ay ang mga sumusunod: paghabol sa hininga, pananakit ng dibdib, pamamaga ng mga binti, matinding sakit ng tiyan, matinding pananakit ng ulo, paglabo ng paningin, maliliit na patches ng dugo sa ilalim ng balat sa bahaging ininiksyunan. 

Ipinapaalala na batay sa kasalukuyang ebidensya, ay mababa ang peligro ng mga thromboembolic side effects ng Vaxzevria kumpara sa mataas na bilang ng mga may edad na namatay dahil sa Covid-19. Dahil dito, patuloy ang rekomendasyon ng pagbabakuna ng Vaxzevria sa edad 60 anyos pataas. 

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 4]

Ako-ay-Pilipino

Rt index sa Italya, bumababa

Pagbabago sa kulay ng mga Rehiyon simula April 12, 2021