in

Bakunang AstraZeneca, sinuspinde ng AIFA

anti-covid vaccine Ako ay Pilipino

Sinuspinde ng AIFA (Agenzia Italiana del Farmaco) ang pagtuturok ng bakunang AstraZeneca sa buong Italya “bilang pag-iingat at pansamantalang hakbang“. Ang AIFA ay nagdesisyong pansamantalang ihinto muna sa buong Italya ang paggamit ng nabanggit na bakuna habang naghihintay ng paglilinaw mula sa EMA (European Medicines Agency)

Ang desisyon ay ginawa matapos ang malawakang komprontasyon sa iba’t ibang mga Health Ministers sa Europa na gumawa rin ng katulad na hakbang tulad ng Germany, Spain at France. Ang Luxembourg, Denmark, Austria, Estonia, Lithuania at Latvia ay nauna nang nagdesisyong ihinto muna ang Bakunang AstraZeneca.

Sinusuri na ng mga eksperto ang lahat ng mga datos at mga pangyayari upang matukoy kung ang bakuna ba ay ang naging sanhi, o isa sa naging sanhi o nakatulong upang magsanhi ng masamang side effects nito”, paliwanag ng EMA. Ang security committee ng EMA (Prac) ay susuriin ang mga karagdagang impormasyon bukas (Martes) at tumawag na rin ng isang pagpupulong sa Huwebes March 18 para sa mga makakalap na impormasyon at anumang karagdagang aksyon na maaaring kailanganin“. 

Gayunpaman, ayon sa EMA, ang mga benepisyo ng bakunang AstraZeneca ay nananatiling mas malaki kaysa sa mga panganib nito.

Anumang karagdagang impormasyon at pamamaraan kung paano at kailan gagawin ang ikalawang dosis ng bakuna ay agad na ipaaalam sa publiko“, ayon są AIFA.

Sa 2.196,000 milyong dosis ng Astrazeneca na dinala sa Italya, 1.093,000 milyong dosis ang naiturok na. Ito ay kumakatawan sa 49.8%. Ang mga unang dosis ay naiturok noong Pebrero 11 ay umabot ng 2,919. Sa kasalukuyan, ang pinakamaraming turok ay noong nakaraang Biyernes na umabot sa 64,684 dosis

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Santo Padre, pinangunahan ang misa ng mga Pinoy para sa ika-500 taon ng Kristiyanismo sa Pilipinas

Overtime sa domestic job, ano ang nasasaad sa batas?