Matapos maitala ang April 26, 2025, bilang isang makasaysayang araw – ang araw ng libing ni Papa Francisco, naging sentro na rin ng atensyon ng mga deboto at mananampalataya ang Basilica di Santa Maria Maggiore.
Naganap ang isang maringal at madamdaming seremonya, isang huling pamamaalam sa isang Santo Papa na minahal ng lahat: mga makapangyarihan sa mundo at mga maralita, matatanda at kabataang kalahok sa Jubileo. Ang kanyang huling hantungan ay matatagpuan na ngayon sa Basilica ng Santa Maria Maggiore, isang makasaysayang simbahan na labas sa Vatican. Ito ay isang makabuluhang desisyon ng pagtalikod sa tradisyon, dahil karamihan sa mga Santo Papa ay inilibing sa St. Peter’s Basilica.
Dumagsa ang humigit kumulan na 400,000 katao sa Piazza San Pietro, at sa mga pangunahing lugar sa Roma tulad ng Colosseo at sa kahabaan ng ruta patungong Santa Maria Maggiore upang magbigay ng huling pagpupugay sa Santo Papa, ayon sa Vatican.

Ang desisyong ito ay alinsunod sa personal na kahilingan ni Pope Francis, na matagal nang may malalim na debosyon sa Birheng Maria at sa imahen ng “Salus Populi Romani” na matatagpuan sa basilika. Matatandaang sa bawat apostolic trip ng Santo Padre dumadalaw muna siya dito upang manalangin at bumabalik sa basilika sa kanyang pagdating.

Si Pope Francis ang Santo Papa sa mahigit 120 taon na ililibing sa labas ng Vatican, mula pa noong kay Pope Leo XII noong 1903.
Sa kasalukuyan, tumaas sa 30,000 katao kada araw ang mga bumibisita sa basilika mula sa dating 3,000 katao lamang. Dahil dito, nagkaroon ng pagbabago sa sistema ng pagpasok at pagpila sa plasa sa likod ng basilika, na magpapahintulot sa mas maayos at mas mabilis na sistema na pagpasok dito.
Basahin din:
- 250,000 katao, Nagbigay-Pugay kay Pope Francis sa St. Peter’s Basilica
- Pagdadalamhati at Pananalangin: Huling Pamamaalam kay Pope Francis
- April 26: Funeral Mass ni Pope Francis at Paglilibing sa Basilica of St. Mary Major
- Libing ni Pope Francis: Funeral Procession Mula St. Peter’s Patungong St. Mary Major