in

Beneficiaries ng Carta Risparmio Spesa 2023, inilathala sa mga pangunahing lungsod sa Italya

Ang final list o graduatoria ng mga beneficiaries ng Carta Risparmio Spesa 2023 ay inilalathala na sa official website ng mga Comune. 

Ang “Dedicata a te” prepaid card ay naglalaman ng € 382,50 na magagamit sa pagbili ng mga pagkain sa panahon ng matinding krisis.

Ang mga naniniwalang sila ay kabilang sa mga benepisyaryo ay maaaring bisitahin ang website ng Comune kung saan residente upang malaman kung kasama sa official list.

Bilang pagsunod sa batas ng Privacy, hindi inilalathala ang name at/o surname ng mga beneficiaries, bagkus ay ang protocol number ng DSU ISEE na isa sa pangunahing requirement ng Carta Risparmio Spesa, na hindi dapat lalampas sa €15,000.00

Narito ang links ng mga beneficiaries ng Carta Risparmio Spesa 2023 sa mga pangunahing lungsod sa bansa tulad ng Milan, Roma, Napoli, Palermo, Bari at iba pa.  

  • Carta Risparmio Spesa graduatoria Milano Link
  • Carta Risparmio Spesa graduatoria Roma Link
  • Carta Risparmio Spesa graduatoria Napoli Link
  • Carta Risparmio Spesa graduatoria Palermo Link
  • Carta Risparmio Spesa graduatoria Bari Link

Saan kukunin ang Carta Risparmio Spesa 2023?

Ang mga benepisyaryo ng Card Risparmio Spesa ay makakatanggap ng komunikasyon mula sa Comune upang kunin ang Dedicata a te Card sa post office. 

Kakailanganing (i-print), sagutan at ipakita sa counter ang mga sumusunod na form: 

  •  Modulo delega al ritiro Carta Dedicata a Te – Link
  • Modulo di consegna/sostituzione Carta Dedicata a Te​ – Link
  • Informativa sull’utilizzo della Carta Dedicata a Te – Link
  • Modulo di richiesta duplicato PIN​ – Link

Ang card na ibibigay ng post office ay aktibo na. 

Anu-ano ang mga shops kung saan maaaring magamit ang Carta Risparmio Spesa 2023? 

Ang Ministry of Agriculture Food Sovereignty ay naglabas ng updated listahan ng mga accredited shops kung saan magagamit ang Carta Risparmio Spesa. 

Narito ang link ng mga accredited shops.

Tandaan na lahat ng mga accredited shops ay maglalagay ng simbolo ng Carta Risparmio Spesa malapit sa Cashier. 

Ipinapaalala rin na ang Carta Rispamio Spesa ay maaari lamang gamitin sa pagbili esklusibo ng mga pagkain lamang at HINDI maaaring ipambayad ng diapers ng mga anak, hygiene products, kahit mga disposable plates. (PGA)

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 2 Average: 3]

Bonus Estate para sa mga empleyado sa sektor ng turismo

Pagtitiis – Tampok na Paksa sa susunod na Kombensiyon ng mga Saksi ni Jehova sa tagalog