in

Benepisyo o bonus na matatanggap ngayong Pebrero 2021

Para sa buwan ng Pebrero 2021 ay nakalaang matanggap ang ilang benepisyo o bonus, partikular tulong pinansyal para sa mga pamilya, mga walang trabaho at nasa matinding pangangailangan. Ito ay ang mga bonus bebè, Naspi, ex bonus Renzi, Reddito di Cittadinanza at Indennità Covid

Bonus na matatanggap sa buwan ng Pebrero 2021 

Ang unang bonus na pinakahihintay ay ang Indennità onnicomprensiva Covid19. Ito ay nagkakahalaga ng €1000.00 bilang tulong sa danyos na hatid ng krisis sa ekonomiya dahil sa emerhensyang pang-kalusugan. Ang petsa ng pagtanggap ay iba-iba kada tao at ito ay maaring malaman sa pamamagitan ng personal access gamit ang SPID sa website ng Inps. Gayunpaman, sinimulan ang pagbibigay ng tulong pinansyal noong nakaraang Pebrero 2 2021, sa mga nag-aplay noong nakaraang Disyembre. Ito ay nakalaan sa ilang sektor tulad ng:

  • stagionali o lavoratori in somministrazione dei settori del turismo e degli stabilimenti termali;
  • stagionali di settori diversi dal turismo e dagli stabilimenti termali;
  • lavoratori intermittenti;
  • lavoratori autonomi occasionali;
  • incaricati di vendita a domicilio;
  • lavoratori dello spettacolo
  • lavoratori a tempo determinato dei settori del turismo e degli stabilimenti termali.

Naspi, Reddito di Cittadinanza at ex bonus Renzi

Ang Naspi (nuova assicurazione sociale per l’impiego), tulad ng ibang bonus 2021 ay matatanggap din sa buwan ng Pebrero. Ito ay ang unemployment benefit na natatanggap buwan buwan ng mga aplikante nito. Ito ay matatanggap simula Feb 10 hanggang Feb 15, 2021

Samantala ang reddito at pensione di cittadinaza ay matatanggap naman ng Feb 15 at Feb 27

Ang ex bonus Renzi 2021 ay inaasahang matatanggap din hanggang Feb 15 ngunit ang mga official date ay hinid pa itinatalaga. Ito ay nagkakahalaga ng €100, para sa mga tumatanggap din ng Naspi. 

Hanggang sa katapusan ng buwan ng February ay inaasahang matatanggap din ang bonus bebè, pensyon e social card.  

Partikular, sa huling linggo ng Pebrero, ang mga pensioners ay maaaring matanggap din ang para sa buwan ng Marso, tulad sa mga nakaraang buwan. At ang mga hindi pa nakakatanggap ng € 80,00 sa social card ay kailangang maghintay hanggang sa buwan ng Pebrero. Samantala ang bonus bebè naman ay matatanggap sa February 20, 2021. (stranieriinitalia.it)

Para sa karagdagang impormasyon, makipag-uganyan sa inyong mga pinagkakatiwalaang Patronati o Caf. 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Bonus Bebè 2021 Ako Ay Pilipino

Bonus Bebè 2021, paano mag-aplay?

Bagong variant ng Covid19 sa Italya Ako Ay Pilipino

Bagong variant ng Covid19, naitala ang 145 cases sa Italya