in

‘Benvenuti a Milano’, inilunsad!

Pinangunahan kamakailan nina Mayor Giuseppe Sala at Welfare Assessor Gabriele Rabaiotti ang paglulunsad ng “Benvenuti a Milano”. Ito ay isang Gabay na naglalayong tulungan ang mga bagong dating na dayuhan sa lungsod at makilala ang mga public services, pati ang public administration.

Ito ay isang praktikal at kapaki-pakinabang na gabay na makakatulong makilala ng mga dayuhan ang mga serbisyo na ibinibigay ng lungsod. Hinangad ito para sa sinumang nagnanais na manirahan sa lungsod at matugunan ang mga pangangailangan sa pang-araw-araw na pamumuhay sa malinaw at simpleng paliwanag – mula sa permit to stay hanggang sa health services, mula edukasyon hanggang transportasyon – sa madaling salita upang mapadali ang kanilang paglipat sa bagong lugar at maging bahagi ng pamayanan”, paliwanag ni Mayor Sala.

Aniya ito ay isang kumpletong instrumento para sa sinumang bagong residente sa Milan, mula sa ibang bahagi ng Italya o mula sa ibang bansa, para sa trabaho, pag-aaral o kahit family reunification.

Ang gabay ay nahahati sa iba’t ibang seksyon:

  1. Passaggi da non dimenticare all’arrivo – Mga bagay na dapat gawin pagdating sa lungsod;
  2. Benvenuti in Italia – Impormasyon ukol sa lungsod at ukol sa gobyerno;
  3. Permessi e autorizzazioni – Permit to stay at mga dokumentasyon;
  4. Istruzione – Edukasyon;
  5. Lavoro – Trabaho;
  6. Lingua italiana – Kurso para sa Italian language;
  7. Assistenza medica e sanitaria – Kalusugan;
  8. Servizi sociali – Welfare;
  9. Trasporti – Transportasyon;
  10. Norme in materia di alloggi e conti bancari – Batas ukol sa paninirahan at pagbabangko;
  11. Attività ricreative e culturali – Cultural events;
  12. Informazioni importanti – Ibang mahahalagang impormasyon

Mayroon ding online version ang gabay, sa wilang italyano, ingles, espanyol, intsik at arabo. Inaasahan ang paglabas sa wikang pranses.

Ang mga dayuhan ay kumakatawan sa 19% ng mga residente sa Milan sa kasalukuyan at inaasahan ang pagtaas nito hanggang sa 21.2% sa taong 2036. Sa ngayon, mayroong 19.500 mag-aaral na dayuahn sa Milan at ito ay kumakatawan sa 10% ng kabuuang bilang ng mga mag-aaral sa unibersidad.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Venice, inilagay sa State of Emergency

Philippine passport renewal, 7 buwan hanggang 1 taon bago ang expiration