Labingisang buwan mula ng magsimula ang pandemya hanggang sa kasalukuyan ay umabot na sa 50,453 ang bilang ng mga naging biktima ng Covid19 sa Italya, may bahagyang pagtaas kumpara kahapon ng 630.
Samantala, 22,930 naman ang mga bagong kaso ng positibo sa huling 24 oras.
Sa unang pagkakataon sa second wave ay bumaba ang bilang ng mga actual positives. Ayon sa Ministry of Health, ang bilang ay 796,849 – mas mababa ng 9,098 kumpara noong Linggo (805,947).
Bumaba rin ang bilang ng mga pasyente na ipinasok sa ICU. Siyam (9) sa huling 24 oras, habang kahapon ay 43, sa kabuuang bilang na 3,810. Samantala, tumaas naman ang bilang ng mga pasyente sa mga ospital: ngayong araw ay may kabuuang bilang na 34,697, may pagtaas mula sa datos kahapon ng 418, halos doble kumpara kahapon (216).
Sa kasamaang palad sa loob ng isang buwan ay may 27,000 mga nurses at duktor ang nahawahan ng covid19.