in

Bilancio Demografico Nazionale 2017, inilabas ng Istat

Patuloy pa rin ang pagbaba ng populasyon ng mga residente sa bansa na nagsimula dalawang taon na ang nakakaraan. Hanggang noong nakaraang Disyembre 31, ay naitala ang bilang na 60,483,973 ng mga residente, at 5 milyon ng bilang na ito ay mga mamamayang dayuhan (10.7% sa North, 4.2% sa South).

Ito ay ayon sa inilabas na ulat kamakailan ng Istat “Bilancio demografico nazionale. Sa taong 2017, ang populasyon sa Italya ay bumaba ng 105,472 kumpara sa naunang taon. “Ang pagbaba ay pangkalahatan”, ayon sa National Statistics Institute o Istat – ito ay natukoy sa pamamagitan ng pagbaba ng populasyon ng mga Italyano (mas mababa ng 202,884 residente), habang ang populasyon naman ng mga dayuhan ay tumaas ng 97.412. Mas mataas ang death rate sa birth rate para sa mga Italians. Ang resulta ay negatibo ng 251,537 habang positibo naman ang resulta para sa mga mamamayang dayuhan (halos 61,000).

Bukod dito ay kinumpirma ng Istat ang patuloy na pagbaba ng birth rate mula 2008. “para sa ikatlong magkakasunod na taon, ang mga ipinanganak ay mas mababa ng kalahating milyon, 458, 151 (mas mababa ng 15,000 kumpara noong 2006), at 68,000 ng bilang na nabanggit (14.8% ng kabuuan) ay mga dayuhan, na tulad ng mga Italians ay bumaba rin ang bilang”. Umabot naman sa 650,000  ang mga namatay (mas mataas ng 34,000 kumpara noong 2016, na sumunod rin sa naging trend sa mga nakaraang taon sanhi ng pagtanda ng popolasyon.

Ang mga nakatala naman sa anagrafe na nagmula sa ibang bansa ay higit sa 343,000 noong 2017 (300,823 noong 2016) kung saan ang 88% ay tumutukoy sa mga dayuhan. Ang kanselasyon naman bilang rssidente ay nanatili ang bilang, halos 114,000 para sa mga Italians, dahil sa kapanganakan at naturalization, habang higit sa 40,000 naman ang mga dayuhan, bahagyang bumaba kumpara sa mga nakaraang taon. “Ang mga nagkaroon naman ng Italian citizenship – paliwanag ng Istat – ay nagtala ng isang mabilis na pagtaas: sa taong 2017 ang mga new Italians ay higit sa 146,000“.

Ayon pa rin sa ulat ng Istat, sa Italya ay naninirahan ang halos 200 nationalities: kalahati nito ay mula sa European countries (higit sa 2,6 million), higit sa 30% ang galing European Union. Isang milyon naman ang nagmula sa Central Eastern European na hindi kabilang sa EU.

Nangungunang nationality ang Romanian (1.190.091 residente, o ang 23.1%) sinundan ng Albanian (440,465 o ang 8.6%). Ikatlo naman ang mga mamamayan ng Morocco (416.531 o ang 8.1%), sinundan ng mga Chinese (290,681 o ang 5.7%) at mga magmula ng Ukraine (237,047, o ang 4.6%) na sinundan naman ng mga Pilipino (167.859 o ang 3.3%).

 

 

source: Istat

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Hiring ng mga colf at babysitters tuwing summer period? Narito ang halaga ng sahod at uri ng kontrata

Permit to Stay, papawalang bisa o tatangihan ang releasing dahil sa pagkakasangkot sa droga – Council of State