in

Bilang ng mga Covid19 infected sa Italya, pababa na 

Ang ‘curve’ ng Covid19 sa Italy ay patuloy na bumababa. Ito ay ayon sa weekly report ng Istituto Superiore di Sanità (ISS) at Ministry of Health. 

Kinumpirma ni ISS president Silvio Brusaferro na patuloy na bumababa ang kurba sa Italya. Aniya nasa yugto na ng patuloy na pagbaba ang bilang ng mga Covid19 infected sa loob ng ilang linggo na sa halos lahat ng mga rehiyon. Ang pagbabang ito ay makikita sa lahat ng mga edad bagaman ang mga mas bata ay nananatiling may mas mataas na sirkulasyon ng virus kumpara sa iba. 

Ang mga bagong positibo sa Covid ay 67,152 sa huling 24 hrs. Kahapon ay nagtala ng 75,861. Ang bilang ng mga biktima ay 334, kahapon ay 325. 

Umabot sa 663,786 ang mga Covid tests (PCR at antigen sa huling 24 oras, kumpara sa 683,715 kahapon. Ang positivity rate ay bumaba sa 10.1% mula sa 11.1% kahapon. Samantala, 1,265 ang mga pasyente sa ICU (mas mababa ng 57 pasyente kumpara kahapon). 

Isa bawat 6 na katao, nagka-Covid sa Italya: Mula sa simula ng pandemya mayroong 10.089.429 ang mga gumaling sa Covid. Sa huling 24 oras ay naitala ang 129,293. Sa katunayan may kabuuang bilang na 11.991.109 katao ang nagka-Covid sa Italya, ayon sa datos ng Ministry of Health. Ang kasalukuyang positibo sa Covid ay 1.751,125, bumaba ng 62,149 sa huling 24 oras habang ang bilang ng mga namatay ay 150,555.

Samantala, ang transmissibility Rt index ay bumaba sa 0.89 sa linggong ito, kumpara noong nakaraang linggo na 0.93. Bumababa rin ang incidence ng mga kaso ng Covid: sa linggong ito ay katumbas ng 962 kaso bawat 100,000 residente kumpara sa 1362 noong nakaraang linggong. Ito ay ayon sa weekly monitoring report ng Ministry of Health-Istituto Superiore di Sanità.

Ang improvement sa epidemiological situation sa bansa ay bunga umano ng matagumpay na vaccination campaign at pagsunod sa tamang pag-uugali ng karamihan ayon kay Prevention Depertment Director ng Ministry of Health, Gianni Rezza. (PGA)

Click to rate this post!
[Total: 2 Average: 2.5]

Preavviso di rigetto, ano ito at ano ang dapat gawin kapag natanggap ito?

19 na Consiglieri Aggiunti, nalalapit na ang eleksyon sa Roma