in

Bilang ng mga dayuhan, nananatiling humigit kumulang 5 milyon simula pa ng 2013

“Walang ‘invasion’ ng mga dayuhan sa bansa”. Ang katotohanan ay nananatiling humigit kumulang sa 5 milyon simula 2013 ang bilang ng mga dayuhan sa bansa.

Ang Dossier Statistico Immigrazione 2018, ay ginawa ng Centro Studi e Ricerche Idos, kasama ang Centro Studi Confronti at pakikipagtulungan ng Unar, at 28 taon nang nagsisikap na magbigay ng buong larawan at mukha ng migrasyon sa bansa bilang pangunahing layunin.

At ang 480 pahinang resulta ng pananaliksik ay salungat sa pinaniniwalaan na tila nilusob, namamayani at nagkaroon ng ‘invasion’ ng mga dayuhan sa bansa. Ang katotohanan ay taliwas dito dahil ang bilang ng mga dayuhan ay nananatiling humigit kumulang sa 5 milyon simula 2013.

Partikular, ayon sa Idos ang bilang ng mga regular na dayuhan ay humigit kumulang sa 5.333,000 at ito ay mas mababa ng 26,000 sa bilang noong 2016.

Sa Germany, ay mayroong 9.2 milyon bilang ng mga dayuhan, 6.1 milyon naman sa Great Britain. Ayon pa sa Unhcr, ang mga asylum seeker at mayroong international protection o humanitarian status sa bansa ay tinatayang 354,000 o ang 0.6% ng kabuuang popolasyon. Ang Italya ay sumunod lamang sa Germany (1.4 million), France (400,000).

Samakatwid, ang Italya ay hindi nagtala ng pinakamataas na bilang ng mga dayuhan sa Europa.

Ayon sa ulat, higit 114,000 Italians na lumabas at lumipat sa ibang bansa noong nakaraang 2017, karamihan ay may edad mula 25 hanggang 39 taong gulang. Ito ay isang trend kahit para sa mga dayuhan. Sa katunayan, higit sa 40,500 kanselasyon sa Ufficio anagrafico ang naitala taong 2017. At kung ang bilang ng mga Italians na residente sa ibansa bansa ay higit sa 5.1114,000 – ito ay bilang na maikukumpara sa bilang ng mga dayuhang residente sa Italya.

Ang mga imigrante na naninirahan sa Italya ay nagmula sa halos 200 bansa sa mundo. Ang mga Romanians ay ang pinakamalaking komunidad (1,190,000), katumbas ng 23.1% ng lahat ng dayuhang residente; sinusundan ng mga Albanians (440,000), Moroccans (417,000), Chinese (291,000) at Ukrainians (237,000). Ang mga nabanggit ay ang unang 5 komunidad ay sumasaklaw sa kalahati ng kabuuang bilang ng mga dayuhan sa Italya, habang ang unang 10 (kasama ang Pilipinas, India, Bangladesh, Moldavia at Egypt) ay sumasaklaw naman sa 2/3 ng buong populasyon.

Ang rehiyon na may pinakamalaking bilang ng mga dayuhan ay ang Lombardy (1.154,000, ang 22% ng kabuuang bilang), sinundan ng Lazio (higit sa 679,000 o ang 13%) at ang Emilia Romagna (536,000, ang 10.6%). Sa Roma lamang ay naninirahan ang 557,000 o 10.8% ng kabuuang populasyon ng mga dayuhan. Sa Milan ay karagdagang 459,000 o ang 8.9% at sa Turin ang 220,000 o 4.4%.

Samantala, patuloy naman ang pagbaba ang birthrate ng mga dayuhan ang magulang simula 2013. Sa katunayan mula 82,000 noong 2012, nagtala ito ng 68,000 ng 2017.

Bukod dito, sa taong 2017 ay naging Italian citizen ang 1.5 milyong dayuhan. Ayon sa Idos, halos 1.3 million ang mga dayuhang sa Italya ipinanganak at kumakatawan sa higit sa ¼ ng lahat ng mga residente. Sa bilang na ito, higit sa kalahati ang nag-aaral sa bansa at kumakatawan sa 2/3 ng 826,000 ng dayuhang mag-aaral, halos ikasampung bahagi ng lahat ng mga batang mag-aaral. Karamihan sa mga kabataan ng “ikalawang henerasyon” ay dapat naging Italian citizen sana kung noong Setyembre 2017 ay ganap na inaprubahan sa Parliyamento ang reporma sa citizenship.

Sa lahat ng mga non-Europeans na regular na residente sa bansa, 2 sa bawat 3 (2.390.000) ang mayroong EC long term residence permit. Sa bilang na 2.423.000 na employed na dayuhan noong 2017 (o ang 10.5% ng mga employed sa bansa), ang 2/3 nito ay employed bilang operaio. Habang 71% naman ng populasyon ay mga colf at 18.5% naman ang nagtatrabaho sa hotel at restaurants. Patunay lamang na walang trabahong inaagaw ang mga dayuhan mula sa mga Italians.

Noong 2017, 41,158 ang mga undocumented na naharang ng mga awtoridad. Sa bilang na ito, ang 44.6% lamang ang napatalsik habang ang natitirang bilang naman ay nanatili sa bansa sa kabila ng pagkakaroon ng ‘oder of expulsion’. Kung pagbabasihan ang datos mula sa Fondazione Ismu, na mayroong halos 490,000 undocumented, nangangahulugan na 8.4% ang nakontrol at 3.7% lamang ang tunay na napatalsik.

Tulad ng binigyang diin ng Leone Moressa Foundation, ang mga tax payer na dayuhan ay nagbayad ng 3.3 billion euros na Irpef, na kung idadagdag ang 320 million mula sa kontribusyon ng renewal ng mga permit to stay at citizenship at 11.9 billion naman mula sa kontribusyon, malinaw na nagpasok ng 19.2 billion ang mga dayuhan kumpara sa 17.5 billion na public expenses na ginastos para sa kanila at samakatwid ang imigrasyon ay positibong nagpasok mula 1.7 hanggang 3 billion euros sa bansa.

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

ora-solare-Ako-Ay-Pilipino

Ora solare 2018, nagbabalik!

Smuggling ng mga sigarilyo, namultahan sa Milano