in

Bilang ng mga New Italians, patuloy ang pagbaba simula 2017

Matapos ang trend sa higit sa 10 taon, sa katunayan ay naitala ang pagbaba sa bilang ng first issuance ng mga italian passports sa mga New Italians. Ito ay nasimula noong 2017, ayon sa Istat.

Matatandaang ang italian citizenship ay ibinibigay matapos ang 10 taong tuluy-tuloy at regular na pagiging residente sa Italya. Samantala 5 taon sa France at Great Britain, 8 taon sa Germany at 10 taon naman sa Spain, ngunit ito ay hindi naging hadlang sa kabila na ang pagsusuri sa mga aplikasyon ay tumatagal ng 2 hanggang 3 taon.

Sa katunayan, simula 2006 hanggang 2016 ang bilang ng mga New Italians ay patuloy ang naging pagtaas at pumalo pa nga ito noong 2016 sa higit sa 200,000.

Kabaligtaran naman noong 2017 kung kailan nagsimulang bumaba ang bilang. Mas mababa ito ng 146.605.55 o ang 27.3% kumpara noong 2016.

At noong 2018 naman ay mas mababa ng 113,000 o ang 23% kumpara noong 2017.

Sa kabila nito, tulad ng unang inilathala ng akoaypilipino.eu, ang mga Pilipino ay ika-siyam sa unang 10 komunidad na may pinakamataas na bilang ng mga naturalized italians.

Gayunpaman, isang mahalagang aspeto, ayon sa Istat, na mataas palagi, simula 2013 hanggang 2018 ang bilang ng mga menor de edad na nagiging new Italians sa pagsapit ng ika-18 anyos at kumakatawan sa halos 40% ng acquisition.

Ang pagbagsak sa bilang na nabanggit ay maaaring mayroong iba’t ibang dahilan.

Una na dito ay ang naging paghihigpit sa migrasyon na idineklara ni dating Minister of Interior Salvini. Sinundan ito ng pagkabigo ng ius culturae sa nakaraang legislatura at ang krisis sa ekonomiya.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Pagkalat ng phishing email, Agenzia dell’Entrate nagbigay babala

Family Act, inilunsad ni Minister Bonetti. Ius Culturae, isusulong ulit