Naglabas na ng Circular ang mga Sportelli Unici per l’Immigrazione ukol sa Decreto Flussi 2019.
Sa katunayan, ang Immigration Department ng Ministry of Interior ay hinati na ang bilang o quota ng flussi 2019 sa mga Probinsya batay sa mga pangangailangan ng mga ito.
Partkular sa Circular n. 9 ng April 16 2019 ay lakip ang mga bilang na inilaan sa bawat probinsya.
- 2,000 (ng nakatalagang 9,850) para sa conversion ng mga permit to stay sa lavoro subordinato at lavoro autonomo. Narito ang detalye bawat probinsya;
- 14,108 – kung saan 700 nito ay nakalaan sa nulla osta pluriennali (ng nakatalagang 18,000) para sa pagpasok ng mga seasonal workers. Narito ang detalye sa bawat probinsya.
Gayunpaman, ang mga matitirang bilang ay hahatiin pa rin batay sa mga aplikasyong matatanggap. Ito ang magtatalaga sa distribusyon ng 500 bilang para sa mga workers na dumaan ng formation corse (art. 23 ng Testo Unico sull’Immigrazione) at ng 100 manggagawa na italian origin.
PGA
source:
Ministry of Interior