Ipatutupad na ang VIS, o ang malaking database na may biometric data, para sa maikling panahon ng pananatili tulad ng bakasyon o turismo sa pagpasok sa Schengen countries. Nagsimula ito sa European consulates ng North Africa, pagkatapos ay sa Gitnang Silangan at sa Persian Gulf. Ito ay para sa mas malawakang kasiguruhan at kaligtasan at ang pangako naman mula sa Brussels, ay mas mabilis na releasing ng mga entry visa.
Rome – “Salamat sa digital pictures at fingerprints.” Ito ang mga katanungan sa mga italian consulates sa Algeria, Eypt, Libya, Mauritius, Marocco at Tunisia isang linggo na, sa mga taong nag-aplay ng visa patungo sa Italya. Parehong paulit-ulit na mga katanungan din maging sa ibang consulates ng mga bansa ng Schengen sa North Africa.
Ito ay ang unang public official record ng Visa Information System (VIS), isang rebolusyon sa elektroniko, na inihanda ilang taon na at ipinatupad ng tahimik noong Oktubre 11. Mula sa araw na iyon, isang pagi-scan ng mga fingerprints ng lahat ng mga daliri at maging ang digital image ng buong mukha ay naging mahalagang elemento upang makakuha ng entry visa sa maikling panahon ng pananatili, o mas mababa sa tatlong buwan, na balido sa malayang paglalakbay sa mga bansa kasapi sa EU.
Ang VIS ay isang malaking database, na may kakayahang subaybayan ang lahat ng visa entry, kinokontrol ang lahat ng mga request, mga konsesyon at mga pagtanggi dito. Ang pangunahing brainiac kung saan matatagpuan ang mga data na nakolekta sa mga consulates ay nasa Strasbourg, sa Pransya, at mayroong isang kopya sa Sankt Johann im Pongau, sa Austria, na handang magamit kung sakaling ang orihinal na kopya ay hindi gumana.
Sa mga datos na ito ay maaaring kumonekta sa mga pulis sa borderline ng bawat bansa, upang ihambing ang mga ito sa mga tao na naroroon sa mga Gates at mabilisang masusuri kung ang mga ito ay talagang ang parehong taong pinakalooban ng entry visa. Ang isang paraan upang maiwasan ang pagnanakaw ng mga identity, ngunit nangako rin ang Brussels, upang pabilisin ang proseso: sa pangalawang visa application, ay maaari nang sumangguni sa mga datas na nasa VIS.
Ayon sa komisyon ng EU para sa Internal Affairs, Cecilia Malmström, salamat sa bagong sistema “ang mga dayuhan na nagnanais na maglakbay sa European Union ay makikinabang na mula sa mas malinaw, tumpak, makatarungan at transparent na patakaran sa visa application. Bukod dito, ang mga entry visa ay mai-isyu at mas masusuri sa paraang sigurado at epektibo. Ito ay isang malaking hakbang ng pasulong upang mapabuti ang mga patakaran sa pagkakaloob ng mga entry visa ng European Union. “
Inumpisahan na, tulad sa North Africa, ang koleksyon ng mga larawan at fingerprints na ilalagay sa VIS at sa lalong madaling panahon maging sa Middle East (Israel, Jordan, Lebanon at Syria) sa Persian Gulf (Afghanistan, Bahrain, Iran, Iraq, Kuwait, Oman, Qatar, Saudi Arabia, United Arab Emirates at Yemen). Sa loob ng dalawang taon, ito ay ipatutupad na rin sa ibang tanggapan ng konsulado ng Schengen countries sa mundo.