Ang anak ng mga dayuhan ay patuloy ang pagdami, umpisa naman ng pagbabà para sa mga italyano. Narito ang ulat ng Istat.
Rome – Ang mga dayuhan ay nagsusumikap ngunit hindi sapat na sila lamang. Matapos ang mabagal ngunit patuloy na pagtaas ng birthrate sa huling labinlimang taon, muling bumabalik ang negative sign, at ito ay kasalanan ng mga italyano.
Ito ay ayon sa isang ulat ng ISTAT ukol sa birthrate at fertility ng popolasyon ng huling dalawang aton. Ang Ulat ng taong 2009 at 2010 ay kinukumpirma na muling bumababa ang bilang ng birthrate sa bansa: noong 2009 ang mga ipinanganak ay umabot lamang ng 568.857 at sa taong 2010 ay bumabang muli ng 15,000 at umabot lamang ng 561.944. Ang mabagal ngunit tumataas na birth rate, na nagsimula noong 1995 kung kailan naitala ang pinakamababang bilang ng birthrate ay umabot lamang ng 526.064, ay tila nahinto na.
Ang pagbabang ito, ayon pa sa ISTAT, ay dahil na rin sa pagbabà sa bilang ng mga ipinapanganak na magulang na Italyano (mababà ng 25,000 sa dalawang taon), samantala ang birthrate ng mga batang mayroong isang magulang na Italyano ay patuloy naman ang pagtaas o halos higit na 5,000 noong 2009 at noong 2010 naman ay katumbas ng kalahati ng pagtaas noong 2008.
Ang mga ipinanganak mula sa parehong dayuhang magulang ay 77,000 ng 2009 at 78,000 noong 2010 naman, halos 14% sa kabuuang bilang. Kung idadagdag ang bilang ng mga batang ipinanganak mula sa mix marriages, ay aabot sa halos 102,000 ang mga batang ipinanganak mula sa mayroong isang italyanong magulang noong 2009 at 107,000 naman sa taong 2010 (halos 18% at 19% ng kabuuang bilang.
Kung isasaalang alang ang mga ina na may citizenship, ay nangunguna ang mga Romanians (16.727 noong 2009), sumunod ang mga Moroccan (14.370) at sumunod naman ang mga Albanians (9.937) at bilang panghuli ay ang mga Chinese (halos 5,000).
Ang karaniwang bilang ng mga anak sa nakaraang dalawang taon ay nakakagitla, kahit pa mabagal lamang. Tumaas sa kalagitnaan ng 1990’s (sa katunayan noong 1995 ay naitala ang pinakamababang percentage ng fertility ng mga kababaihan, 1,19 % lamang bawat babae). Ayon sa mga huling ulat, ang mga residenteng kababaihan sa Italya ay mayroong average na 1,41 bilang ng anak; 1,31 % para sa mga inang Italyano at 2,23 % naman para sa mga inang dayuhan.