in

Bologna, tulong pinansyal sa mga pamilya sa pagbabayad ng caregiver

ako-ay-pilipino

Isang tulong pinansyal sa mga senior citizens (higit sa 65anyos) at mga mayroong disabilities na non self-sufficient (o non-autonomous) at mayroong caregiver. 

Pinirmahan ngayong araw ang kasunduan sa pagitan ng mga Comune at mga unyon ng mga pensioners Spi-Cgil, Fnp-Cisl at Uilp-Uil sa pagbibigay tulong sa mga pamilya, na ng dahil sa pandemya ay napilitang maghanap ng caregiver na mag-aalaga sa miyembro ng pamilya na matanda o may disabilities na non-autonomous.

Upang matanggap ang benepisyo ay kailangang sumali sa bando ng mga Comune ng Distretto pianura Est ng Bologna (Argelato, Baricella, Bentivoglio, Budrio, Castel Maggiore, Castenaso, Galliera, Granarolo dell’Emilia, Malalbergo, Minerbio, Molinella, Pieve di Cento, Castello d’Argile, San Giorgio di Piano e San Pietro in Casale) simula Oct. 21, 2020 hanggang December 22, 2020 at nagtataglay ng mga sumusunod:

  • Kailangan ay residente sa mga nabanggit na Comune; 
  • ISEE na hindi tataas sa € 35,000;
  • may caregiver at may regular na contratto di lavoro ng hindi bababa sa 25 hrs weekly;

Ang mga beneficiaries ay mga matanda over 65 o mga adults na may disabilities at hindi dapat tumatanggap ng anumang tulong sa ilalim ng Inps Home Care project

Para sa karagdagang impormasyon, narito ang link. 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

ako-ay-pilipino

Covid19 leave para sa school quarantine ng anak, hindi employer ang magbabayad

movida-ako-ay-pilipino

Ilang plasa ng Movida sa Roma, isasara simula ngayong gabi