in

Bomba sa Euroma2, isang false alarm

Isang false alarm ang natanggap na tawag ng Euroma2, isang tanyag na mall sa Roma, ukol sa bomba umano sa loob nito. 

 

Roma. Agsoto 2, 2016 – “Naglagay kami ng bomba sa mall Euroma2”. Ito ang pananakot buhat sa isang tawag sa natanggap ng Euroma2 ngayon araw bandang alas dos ng tanghali. 

Ayon sa mga ulat, boses umano ng dayuhan ang tumawag at nanakot. 

Ang direktor mismo ng centro commerciale ang tumawag sa pulisya na mabilis na rumisponde at nagpalabas sa mga tao. 

Matapos ang masusing kontrol na ginawa ng tatlong grupo ng awtoridad na sumugod sa mall ay negatibo ang naging resulta nito. 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Turista sa Italya: Ano ang mangyayari kung mako-control makalipas ang validity ng visa?

Mariel, nakauwing mag-isa matapos ma-confined sa ospital!