Simula ngayong araw, Januray 9, 2025, ipapatupad sa Italya ang bagong EU Regulation 2024/886 na nagbabago sa direktiba sa mga bank transfer. Layunin nitong gawing mas accessible para sa mga consumers at business ang isang bank service na noon ay may dagdag na fee. Ang instant transfer o bonifico istantaneo at ordinary bank transfer ay pareho na ang halaga ng transfer fee sa Italya simula ngayong araw.
Ang ordinary bank transfer ay tumutukoy sa standard na proseso ng bank transfer na maaaring tumagal ng 1 hanggang 2 araw na banking days. Limitado ito sa mga oras ng operasyon ng bangko, at hindi pinoproseso tuwing weekends o holidays. Ito ay malawakang ginagamit sa Italya dahil sa mas mababang transfer fee nito. Ang bonifico istantaneo o instant transfer naman ay isang opsyaon upang mapabilis ang proseso ng transfer. Naipapadala at natatanggap ang pera sa loob ng 10 segundo. Ang serbisyong ito ay magagamit 24/7, kahit holidays o weekends. Ang bonifico istantaneo ay karaniwang nagkakahalaga higit sa €2,00 per transaction.
Bukod dito, simula sa October 9, 2025, obligasyon ng mga bangko na hindi lamang tanggapin ang mga bonific istantanei kundi ang i-offer din ng serbisyong ito sa kanilang mga kliyente para mas mapalawak pa ang paggamit dito.
Sa ganitong paraan, magagamit din sa pagbili ng mga produkto at magbibigay-daan sa mga shops na agad na ma-access ang bayad dito. Inaasahan din ng EU na ang instant bbank transfer ay posibleng maging option sa pagbabayad ng cash o teske at maka-kompetensya ng card payment.
Bukod sa nabanggit, simula January 9, 2025, posible na ring gamitin ang instant transfer para magbayad ng mga bayarin sa gobyerno o Public Administration, na sa kasalukuyan, ay karaniwang binabayaran gamit ang PagoPA sa pamamagitan lamang ng card payment.
Simula ngayong ara way maaaring magbayad ng multa (kung walang natanggap na abiso mula sa PagoPA), mensa scolastica at iba pa gamit ang bonifico istantaneo. Isang opsyon, partikular tuwing weekend, sakaling makaligtaan ang pagbabayad bago ang scadenza o deadline ng payment at maiiwasan ang anumang dagdag multa dahil sa delayed payment.