in

Bonus Affitto, ang Public Announcement ng Regione Lazio

Inilathala ngayong araw ang Public Announcement, kilala rin sa tawag na ‘bando’ ukol sa ‘Bonus Affitto’ para sa Lazio Region.

Inilathala ngayong araw ang pinakahihintay na maraming residente na Public Annoucement o ‘bando’ ng Bonus Affitto o tulong sa pagbabayad ng renta o upa ng mga apartment para sa Lazio Region. 

Tulad ng unang inilathala ay inaprubahan ng Regione Lazio noong nakaraang April 9, 2020 ang Fondo Straordinario per il Sostegno alla locazione anno 2020 kung saan nasasaad ang paglalaan ng pondong nagkakahalaga ng € 22.000.000,00  sa buong Rehiyon (55% ng nabanggit na halaga ay nakalaan sa Comune di Roma at 45% sa ibang Comune ng Lazio) bilang tulong pinansyal sa malalang krisis ng ekonomiya sa panahon ng covid19.

Ang tulong pinansyal ay isang maliit na bahagi ng upa, publika o pribado man, katumbas ng 40% hanggang tatlong (3) buwan upa sa taong 2020. At kung hihilingin ng aplikante, ang halaga o bonus ay maaaring ipadala o ibigay diretso sa may-ari ng inuupahang bahay o apartment. 

Matapos ang paglabas ng anunsyo ng Rehiyon ngayong araw, ang bawat Comune ay maglalathala rin ng kanya-kanyang Public Annoucement sa nasasakupan. Ang bawat Comune ang tatanggap ng mga aplikasyon at sa pagtatapos nito ay ipapadala ang mga aplikasyon na mayroong protocol number sa Rehiyon. Matapos ipadala ang mga ito ay saka pa lamang gagawin ang ‘graduatoria’ sa loob ng 45 araw ng mga tatatanggap ng tulong pinansyal. Sa puntong ito, ang Rehiyon ay ipapadala sa Comune ang pondo. 

Sinu-sino ang maaaring mag-aplay? 

  • Mga mamamayang Italyano, Europeo at mga non-Europeans na mayroong regular na permit to stay. Ang mga permit to stay na ang validity ay mula Jan 31 hanggang April 15, ay pinalawig ang validity hanggang June 15, 2020;
  • Ang residenza o ang inuupahang bahay para sa trabaho o pag-aaral ay matatagpuan sa Comune kung saan gagawin ang aplikasyon;
  • May regular na kontrata ang upa;
  • Hindi nagmamay-ari ng apartment na ginagamt bilang tirahan;
  • Hindi nakatanggap para sa taong 2019 ng anumang tulong pinansyal para sa upa ng apartment mula sa Rehiyon;
  • Ang kabuuang kita ng pamilya ay hindi lalampas sa €7,000 every 3 months o halos € 28,000.00 sa taong 2019 at may pagbaba ng higit sa 30% ang kabuuang kita dahil sa covid19 mula Feb 23 hanggang May 31, 2020 kumpara sa taong 2019.

Upang patunayan ang pagkakaroon ng mga itinalagang requirements ng tulong pinansyal, isang autocertificazione o self-declaration ang lakip ng Public Annoucement. Ilalakip sa self-declaration ang kopya ng balidong dokuemnto ng aplikante. 

Ang Regional Office, kasama ang Guardia di Finanza ay ang magsasagawa ng angkop na pagsusuri sa pinirmahang deklarasyon (aplikasyon) at magsasagawa rin ng angkop na parusa sa sinumang hindi magde-deklara ng katotohanan. (PGA)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Maaari bang isulat o banggitin ang pangalan ng taong positibo sa Covid19 sa private message o sa chat?

Naaayon ba sa batas ang pagtatanggal sa trabaho sa mga colf at caregivers sa panahon ng Covid19?