Ang Bonus asilo nido 2017 na nagkakalahaga ng 1000 euros ay nakalaan sa mga pamilya na mayroong mga nakatalang anak sa public o private nursery school o asilo nido. Aplikasyon simula July 17, 2017.
Inilathala kamakailan ang Circular 88 ng May 22, 2017 para sa bonus asilo nido 2017 ng Inps. Ito ay tumutukoy sa implementing rules sa pagpapatupad, pag-aaplay at pagtanggap ng nabanggit na benepisyo.
Ang Bonus asilo nido 2017 na nagkakalahaga ng 1000 euros ay ang bagong tulong pinansyal para sa mga pamilya na mayroong mga nakatalang bata sa public o private nursery school o asilo nido.
Ito ay itinalaga ng bagong Budget Law 2017, kasama ng bonus mamme domani 2017 o ang premio nascita na nagkakalahaga ng 800 euros na nasa ika-7 buwan ng pagbubuntis o mga nag-ampon ng isang menor de edad sa taong 2017.
Narito ang mga requirements ng bonus nido 2017 na nasasad sa Circular.
- ang aplikasyon ay maaaring isumite ng magulang ng batang ipinanganak o inampon mula Enero 1, 2016;
- upang matanggap ang bonus ay kinakailangan Italian citizen, European citizen o nagtataglay ng EC long term residence permit o carta di soggiorno kung dayuhan o non-European;
- residente sa Italya;
- upang matanggap ang bonus, ang aplikante o ang magulang ay kailangang nabayaran ang nursery fee;
Ang mga kwalipikado ay maaaring magsumite ng aplikasyon mula July 17, 2017 sa pamamagitan ng isa sa mga sumusunod na paraan:
- Online: kung ang isa sa mga magulang ay mayroong Inps personal pin sa pamamagitan ng online services nito sa website ng Inps;
- Sa pamamagitan ng pagtawag sa toll free number ng tanggapan;
- Sa pamamagitan ng tulong ng mga authorized offices o patronati.
Ang mga dokumento na kakailanganin sa pagsusumite:
- Resibo ng pinagbayarang nursery fee: maaaring kopya ng bank payment, conto corrente postale o resibo ng online payment gamit ang credit card;
- balidong dokumento
- EC long term residence permit o carta di soggiorno
Ang benepisyo na nagkakahalaga ng hanggang 1000 euros taun taon, ay matatanggap at hahatiin sa loob ng 11 buwan hanggang tatlong taon kung ang anak ay nakatala sa private o public nursery school.
PGA