in

Bonus Asilo Nido, para din sa mga dayuhan anuman ang uri ng permesso di soggiorno

Ibibigay din ang Bonus Asilo Nido 2020 sa mga dayuhang magulang na mayroong permesso di soggiorno, anuman ang uri nito. Ito ang paglilinaw ng Inps, sa pamamagitan ng isang komunikasyon n. 2663 ng July 21, 2021, bilang probisyon sa hatol bilang 633 ng Court of Appeals sa Milan. Muling susuriin ang mga aplikasyon na tinanggihan noong nakaraang taon. 

Ang bonus asilo nido ay matatanggap din ng lahat ng mga magulang na dayuhan sa Italya anuman ang uri ng permesso di soggiorno na hawak nito.

Ito ay nilinaw ng Inps sa pamamagitan ng isang komunikasyon bilang 2663 ng July 21, 2021, kung saan kinukumpirma na muling susuriin ang lahat ng mga aplikasyon na tinanggihan dahil sa kawalan ng EC long term residence permit o permesso per lungo soggiornanti. Isang diskriminasyon ang tanggihan ang aplikasyon ng mga dayuhan magulang na mayroong ibang uri ng permesso di soggiorno, ayon sa Hukuman ng Milan. 

Samakatwid, tinanggal na ang requirement na EC long term residence permit o permesso di soggiorno per lungo soggiornanti at lahat ng mga aplikasyon na isinumite hanggang December 31, 2020 ay muling susuriin at matatanggap ang benepisyo sa pagkakaroon ng ibang mga requirements ng bonus.

Ang bonus asilo nido ay isang tulong pinansyal mula sa Inps at ibinibigay batay sa ISEE ng pamilya. 

ISEEHalaga ng bonus
Hanggang € 20,000€ 3,000
Mula € 25,001 hanggang € 40,000Hanggang € 2,500
Mula € 40,001 Hanggang € 1,500
Click to rate this post!
[Total: 2 Average: 3]

Filipino community sa Milan, ginastusan at inayos ang basketball court

Veneto, Lazio, Sicilia at Sardegna, orange zone na sa EU