Kahit sa taong 2021 ay kumpirmado ang Bonus Bebè. Ito ay kasama sa assegno unico na nakalaan para sa mga anak. Ano nga ba ang bonus bebè? Sino ang maaaring mag-aplay nito?
Narito ang mga pangunahing requirements at kung paano gagawin ang aplikasyon.
Ang Bonus Bebè
Ang Bonus Bebè ay isang insentibo na nakalaan sa mga pamilya sa nagkaroon ng sanggol. Kabilang ang mga nag-ampon o ang mga mayroong pre-custody. Sa taong 2021, ito ay napapaloob sa Legge di Bilanacio, habang hinihintay ang assegno unico na inaasahan sa buwan ng Hulyo. Ito ay maaaring i-aplay para sa mga ipinanganak mula Jan 1 hanggang Dec 31, 2021 at ang benepisyo ay ibibigay sa loob ng 12 buwan.
Para sa aplikasyon, ay kinakailangan ang ISEE, upang maitalaga ang halagang matatanggap na mula sa € 80,00 hanggang € 160,00 kada buwan.
Anu-ano ang mga requirements?
Upang matanggap ang bonus bebè 2021 ay kailangan ang pagkakaroon ng:
- Italian citizenship o
- Refugee o international proection status o
- EC long term residence permit o
- Carta di osggiorno sa mga miyembro ng pamilya ng mga EU citizens o
- EU citizen.
Hindi kasama sa mga tumatanggap ang mga dayuhang mayroong regular na permesso di soggiorno.
Kinakailangan din na mapatunayan ang regular na paninirahan sa Italya kasama bata (conviventi) at nakatutugon sa limitasyon ng sahod o kita na itinalaga ng batas.
Upang matanggap ang bonus bebè 2021 ay kailangang isimute ang aplikasyon sa Inps 90 araw mula sa arawa ng kapanganakan o pag-aampon ng bata, esklusibong online. Sa pamamaraan lamang na ito, matatanggap ang itinatalagang halaga sa unang apat na buwan ng taon. Inaasahan ang pagtaas ng 20% sa itinakdang halagang sa mga susunod na anak. Ito ay balido din para sa mga kambal na anak. (stranieriinitalia.it)