Kabilang sa napapaloob sa DL Rilancio ay ang bonus mobilità, mas kilala sa tawag na bonus bici na layuning hikayatin ang mga mamamayan sa isang pagbabago sa paraan ng mobility partikular sa mga malalaking lungsod sa bansa.
Ang bonus bici ay tumutukoy sa 60% na tulong mula sa gobyerno, sa pagbabayad ng halaga ng bisikleta na hindi hihigit sa € 500. Ang Invoice o fattura ay mahalaga sa pagtanggap ng bonus.
Bonus bici, ang mga detalye
Ayon sa dekreto, ang bonus ay maaaring i-aplay ng isang beses at para sa pagbili ng:
- Bicicle – brand new o used, tradisyunal o electric;
- Handbike – brand new o used;
- Electric kick scooter o monopattino, hoverboard, segway
Maaring mag-aplay ng bonus bici ang mga mamamayan mula 18 anyos at residente (hindi domicilio) sa mga kabisera ng mga Rehiyon (kahit mas mababa sa 50,000 ang mga residente), kabisera ng mga Probinsya (kahit mas mababa sa 50,000 ang mga residente), mga Comune (na may higit sa 50,000 ang mga residente) at mga Comune ng 14 na Città metropolitane (kahit mas mababa sa 50,000 ang mga residente) tulad ng Bari, Bologna, Cagliari, Catania, Firenze, Genova, Messina, Milano, Napoli, Palermo, Reggio Calabria, Roma Capitale, Torino, Venezia.
Mayroon itong dalawang bahagi. Sa una ay ang aplikante ang bibigyan ng 60% refund ng nagastos sa pagbili ng isa sa mga nabanggit sa dekreto at ang ikalawa naman ay ang aplikante ang magbabayad ng 40% sa pagbili at ang binilan ang makakatanggap ng 60% refund.
Ang buono ay matatanggap sa pamamagitan ng isang app. Ito ay magiging aktibo sa loob ng 60 araw mula sa paglalathala ng ministerial decree o implementing rues at guidelines sa Official Gazette ng programa. Upang magkaroon ng access sa app ay kakailanganin ang SPID.
I-click ang website ng Ministero dell’Ambiente para sa karagdagang impormasyon. (PGA)