Mas malaki at mas madami ang makakatanggap ng bonus bollette 2022. Ito ay matapos baguhin ng Decreto Aiuti ang bonus bollette o bonus sociale para sa kuryente, gas at tubig. Ito ay ginawang retroactive at nangangahulugan na ibibigay din ng gobyerno ang diskwento sa kuryente, gas at tubig simula sa first quarter ng 2022.
Matatandaang ang bonus bollette 2022 ay unang pinagtibay para sa second quarter ng 2022 at pinalawig hanggang third quarter ng 2022 (para sa panahon ng April 1 hanggang Decembre 31, 2022).
Pinalawak din ang mga beneficiaries dahil itinaas ang ISEE sa €12,000 (sa halip na € 8.265 kumpara noong nakaraang taon), na magpapahintulot na matanggap ang bonus ng karagdagang 5,2 milyong katao.
Ang bonus sociale ay awtomatikong matatanggap at hindi kakailanganin ang mag-aplay nita. Ang bawat pamilya ay may karapatang matanggap ng isang beses ang bawat bonus – isang bonus elettrico, isang bonus gas at isang bonus idrico. Sapat na ang gawin ang DSU kada taon pang magkaroon ng ISEE.
Basahin din:
- Bonus bollette 2022, mas dadami ang makakatanggap
- Bonus bollette 2021, narito ang mga dapat malaman,
- ISEE, bakit mahalaga at paano magkaroon nito?