Ang bonus bollette para sa kuryente (luce), gas at tubig (aqua) ay magkakaroon ng pagbabago ngayong 2021.
Ang bonus ay awtomatikong kikilalanin sa mga pamilya na nasa partikular na sitwasyong pinansyal, o mayroong ISEE na mas mababa sa 8.265 euros. Ito ay may bisa simula January 1, 2021.
Ang bonus bollette 2021
Ayon sa Arera, Autorità di regolazione per energia reti e ambiente, ay sapat na ang gawin ang Dichiarazione Sostitutiva Unica, para sa ISEE, – ang pangunahing sanggunian upang matiyak ang karapatan sa patanggap ng mga benepisyo at mga bonus mula sa gobyerno – upang matanggap ang inaasahang pagbabawas ng bayarin sa mga bills – ang kuryente, gas at tubig.
“Ito ay magpapahintulot sa 2.6 milyong mga pamilya ang matanggap ng awtomatiko ang bonus at mapalitan ang lumang sistema ng pagbibigay sa benepisyo matapos ang aplikasyon nito. Ang lumang pamamaraan ay nagbibigay limitasyon at nakatanggap lamang ang 1/3 ng mga potensyal na benepisyaryo“.
Sa bagong sistema, kung ang pamilya ay kwalipikado sa bonus, ang Inps ay magpapadala awtomatiko ng impormasyon sa Sistema Informativo Integrato (SII), ang database na nagtataglay ng mga mahahalagang impormasyon upang matukoy ang provider ng kuryente, gas at tubig.
Sa pamamagitan ng palitan ng mga impormasyon, ay awtomatikong ibibigay sa pamilyang kwalipikado ang bonus sa kuryente, gas at tubig.
Ang halaga ng bonus ay batay sa laki ng pamilya at binabago taun-taon ng awtoridad. Para sa taong 2021, ang halaga ay:
- 1 hanggang 2 miyembro – € 128,00
- 3 hanggang 4 na miyembro – € 151,00
- Higit sa 4 na miyembro – € 177
Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang link na ito. (PGA)