in

Bonus casalinghe, matatanggap din ng mga dayuhang may Permesso UE per lungo soggiornanti 

Kabilang sa mga bonus o tulong pinansyal na inaprubahan ng gobyerno ni Draghi ay ang bonus casalinghe. Ito ay nakalaan sa mga taong hindi nagtatrabaho at nangangalaga sa tahanan. Ang bonus ay matatanggap din ng mga dayuhang may permesso di soggiorno per lungo soggiornanti o EC long term residence permit.

Bonus casalinghe, sino ang makakatanggap at paano mag-aplay

Ang bonus casalinghe ay para sa mga taong nag-aasikaso at nangangalaga ng mga pangangailangan sa bahay, na walang anumang kontrata at kabayaran at nakatala sa mandatory insurance na nasasaad sa artikolo 6 ng batas ng Decemebr 3, 1999, bilang 493. 

Ito ay nakalaan sa mga kalalakihan at mga kababaihan, na nais bumalik magtrabaho sa pamamagitan ng pag-aaral ng mga bagong kaalaman, partikular ng digtal world. Sa katunayan, ang bonus ay nagpapahitulot na makapasok nang libre sa mga vocational courses na pinondohan ng Ministry of Equal Opportunities.

Ang bonus ay ibibigay ng Inps sa mga taong may edad 67 anyos pataas na palaging nangalaga sa mga tahanan at dahil dito ay hindi makakatanggap ng minimum pension.

Upang matanggap ang bonus ay kailangan ang pagkakaroon ng sahod o kita na hindi lalampas sa €6.085,30 sa isang taon para sa isang tao at € 12.170,60 naman para sa mga couples. 

Ang aplikasyon ay maaaring isumite sa pamamagitan ng 

  • website ng Inps;
  • call center: toll free number 803.164 o landline 06.164.164;
  • mga Patronato;

Ang haaga ng bonus ay nag-iiba batay sa halaga ng sahod. Gayunpaman, ang halaga nito ay aabot hanggang € 468,10 kada buwan para sa sinumang walang aumang kita. 

Samantala, sa mga nagnanais naman na makapasok sa vocational course, ay sapat na ang magpatala direkta sa organizer ng napiling kurso. Ang mga kurso ay ilalathala sa lalong madaling panahon sa website ng Ministry of Equal Opportunity. (PGA)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Bagong Decreto Flussi, aaprubahan sa lalong madaling panahon 

Monkeypox o vaiolo delle scimmie, ano ito at anu-ano ang mga sintomas nito?