Ang mga colf at caregivers na hindi pa nakakapag-aplay ng Bonus colf e badante ay may natitirang huling dalawang araw pa, hanggang August 30!
Matatandaang ang bonus colf e badante ay sinimulan ang aplikasyon online noong nakaraang May 25, 2020. Ito ay ayuda ng € 500 kada buwan, Abril at Mayo na napapaloob sa DL Rilancio na naglaan ng 460 million euros para sa domestic sector bilang tulong pinansyal sa sektor na naapektuhan ng emerhensya. Walang itinakdang petsa ng deadline ng aplikasyon ang dekreto at maaaring mag-aplay hanggang may natitira pang pondong inilaan para dito.
Ngunit ang Decreto Agosto ay nagtakda ng deadline sa aplikasyon ng bonus.
“August 30 ang deadline ng pagsusumite ng aplikasyon upang matanggap ang Bonus Colf e Badante”, ayon sa isang komunikasyon ng Inps. Matapos ang petsang nabanggit ay tatanggalin na sa website ng Inps ang seksyon “Presentazione domanda”. (PGA)
Basahin din:
- Bonus Colf e Badante, matatanggap na ng mga domestic workers
- Bonus colf e badante, hanggang kailan marine mag-aplay
- Rejected ang bonus colf e badante? Narito ang dapat gawin.