Simula 9:00 am ngayong araw, April 6, 2021 ay maaaring magsumite ng aplikasyon ng bonus colf e badanti 2021, na nakalaan para sa mga domestic workers at caregivers na residente sa rehiyon ng Lazio.
Requirements bonus colf e badanti 2021
Ang bonus colf ay nagkakahalaga ng € 600,00 at maaaring mag-aplay ang mga sumusunod:
- mamamayang Italyano, Europeo o non-Europeans na mayroong regular sa permit to stay;
- regular na residente o naninirahan (domiciliato) sa isa sa mga Comune ng Regione Lazio;
- regular na nakatala at mayroong regular na contratto di lavoro per lavoro domestico sa Inps, mula February 23, 2020, at nagta-trabaho ng higit sa 10 oras kada linggo;
- walang natatanggap na anumang pensyon (maliban sa assegno di invalidità)
- mayroong bank/postal account o mayroong carta ricaricabile tulad ng Postepay Evolution;
- mayroong Rapporto di lavoro domestico na maaaring i-download ng employer (o CAF) mula sa website ng Inps o ang kopya ng Comunicazione Obbligatoria (contratto di lavoro) mula sa Centro per l’Impiego.
- Mayroong balidong dokumento at permesso di soggiorno.
Pagsusumite ng aplikasyon bonus colf e badanti 2021
Ang mga aplikasyon ay maaaring isumite esklusibong online lamang mula 9:00 am ng April 6, 2021 hanggang 5:00 pm ng May 5, 2021 sa website:
https://www.regione.lazio.it/avvisomultimisurasecondaedizione/home/
Kakailanganin ang mag-register sa website para magkaroon ng access gamit ang username at password.
Ang aplikasyon ay kailangang sagutan, i-print, pirmahan, i-scan at i-upload (pdf format) sa platform na nabanggit.
Bago tuluyang ipadala ang aplikasyon ay siguraduhing nasagutan ng kumpleto at wasto at kailangang ilakip ang mga sumusunod:
- balidong dokumento (Carta d’Identità),
- balidong permesso di soggiorno at
- kopya ng Rapporto di lavoro domestico o Comunicazione Obbligatoria.
Ang bonus colf e badanti ay maaaring matanggap kasabay ng ibang tulong pinansyal na naglalayong malampasan ang krisis na dulot ng pandemya.
Ang mga aplikasyon ay tatanggapin batay sa oras ng pagpapadala nito. Isang confirmation email ang matatanggap kung saan makikita ang CODICE UNIVOCO ng aplikasyon na kakailanganin upang masuri kung ang aplikasyon ay tanggap o hindi.
Ang mga tanggap na aplikasyon ay ilalathala sa mga sumusunod na institutional website ng Rehiyon:
- http://www.regione.lazio.it/rl_formazione/
- http://www.regione.lazio.it/rl_attivitaproduttive/
- http://www.lazioeuropa.it
- https://www.laziocrea.it/laziocrea/
Para sa karagdagang impormasyon: http://www.regione.lazio.it/binary/rl_main/tbl_documenti/FOR_DD_G03194_24_03_2021_Allegato1.pdf
Para sa registration: https://www.regione.lazio.it/avvisomultimisurasecondaedizione/home/
Sa paghingi ng anumang tulong sa paghahanda ng aplikasyon; mag-email lamangchiarimentipiva.laziocrea@legalmail.it
Sa paghingi ng tulong sa paga-upload ng mga dokumento, mag-email sa assistenzatecnicapiva@laziocrea.it
Maaari ring tumawag sa Numero Unico Regionale 06-99500 mula Lunes hanggang Biyernes, mula 8:00 am hanggang 7:00pm.
(PGA)