Naglalaan ang Regione Lazio para sa mga residente sa rehiyon ng kabuuang halaga ng 40 million euros sa lahat ng sektor na hindi nakasama sa anumang ayuda ng Gobyerno sa panahon ng krisis hatid ng Covid19. Ito ay tinatawag na ‘Nessuno escluso’.
Ang aplikasyon ng nabanggit na ayuda ay mayroong iba’t ibang petsa, mula May 4 hanggang May 8, at hinati ang mga ito sa iba’t ibang kategorya: Tirocinanti; Colf e Badanti; Riders; Disoccupati e Sospesi dal lavoro; Studenti.
Ang aplikasyon ay gagawin sa pamamagitan ng platform ng generazioniemergenza.laziodisco.it batay sa araw na itinakda para sa bawat kategorya.
Bonus Colf e Badanti
Magsisimula ang aplikasyon ng mga Colf at Badanti sa May 5 (simula als 9 ng umaga) kung saan may kabuuang budget na 4.2 million ang inilaan ng Regione Lazio.
Maaaring makatanggap mula 300 euros hanggang 600 euros batay sa oras ng trabaho ang mga colf at badanti na pansamantalang nahinto o tuluyang nawalan ng trabaho makalipas ang Feb 23 dahil sa Covid19. Kakailanganing ang downloaded at may pirma na application form, balidong dokumento at kopya ng komunikasyon ng sospensyon o pagtatanggal sa trabaho. (PGA)