Inilathala noong nakaraang December 30, 2019 sa Official Gazette bilang 304 ang pinal na teksto ng Legge di Bilancio 2020 kung saan kinumpirma ang Bonus Cultura 2020 para sa lahat ng mga kabataang 18 anyos na residente sa Italya, Italyano o mga dayuhang mayroong regular na permesso di soggiorno.
Para sa lahat ng ipinanganak ng taong 2002, ang Bonus Cultura na nagkakahalaga ng € 300.00 ay inilalaan sa mga kabataang magdi-18 anyos sa taong 2020 upang hikayatin ang kanilang aktibong partesipasyon sa iba’t ibang cultural activities.
Ang kabuuang halaga ng 160M para sa taong 2020 ay matatanggap ng mga kabataan sa pamamagitan ng pag-aaplay ng isang e-card, sa pamamagitan ng 18app gamit ang SPID, ay maaaring gamitin sa pagbili ng mga libro o cds, tickets para sa mga concerts, theaters, museums at iba’t-ibang cultural events.
Matatandaang ang unang Bonus Cultura ay nagkakahalaga ng € 500 ay ibinigay ng Governo Renzi. (ni: PGA)