Ang Bonus Cultura 2023 ay isang bonus na nagkakahalaga ng €500,00, at ito ay para sa mga kabataang may edad 18 anyos.
Sa taong ito ang bonus cultura ay para sa mga mag-aaral na ipinanganak ng taong 2004 na nag-18 anyos ng taong 2022.
Sinumulan kahapon, January 31, 2023 ang aplikasyon ng Bonus Cultura 2023 at ito ay magtatagal hanggang October 31, 2023. Samantala, ang bonus ay maaaring magamit hanggang April 30, 2024.
Ang bonus ay maaaring gamiting pambili ng mga cultural products o activities, tulad ng mga libro, tiket para sa mga konsyerto, exhibit, fairs, museums, theater performances, cinemas, concerts. Ngunit hindi maaaring gamitin pambili ng PC at tablet.
Magagamit din ang bonus sa pagbili ng recorded music at pumasok sa music, theater at foreign language courses.
Ito ang huling taon para sa bonus cultura. Simula sa susunod na taon, ay magkakaroon ng Carta del Merito at Carta della Cultura Giovani.
Basahin din: Bonus Cultura, narito ang mga pagbabago
Paano mag-aplay ng Bonus Cultura 2023?
Una sa lahat ay kakailanganin ang pagkakaroon ng Public Digital Identity System o SPID, na magbibigay access sa mga online services ng Public Administration. Ang credentilas ng SPID ay makukuha sa pamamagitan ng iba’t ibang Identity Provider, tulad ng Poste Italiane.
Mag log-in sa www.18app.italia.it o i-download ang 18app, gamit ang SPID.
Pagkatapos ay maaari nang magsimulang gumawa ng mga vouchers.
Bonus Cultura 2023, matatanggap ba ng mga kabataang ipinanganak sa Pilipinas?
Ang mga kabataang ipinanganak sa Pilipinas at kasalukuyang residente sa Italya ay maaari ring mag-aplay at makatanggap ng bonus.
Kailangan lamang matugunan ang mga sumusunod na kundisyon:
- mayroong regular at balidong permesso di soggiorno,
- ipinanganak noong 2004.
Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.18app.italia.it