Kumpirmado ang Bonus Cultura para sa mga ipinanganak ng taong 2002.
Simula April 1 hanggang August 31, ang mga kabataang ipinanganak noong taong 2002 ay makakatanggap ng e-voucher na nagkakahalaga ng €500 na maaaring magamit hanggang Feb. 28, 2022 para sa kultura halimbawa sa pagbili ng libro, ticket para sa museum, theaters at ngayong taon ay maaaring gamitin para sa subscription ng mga newspapers at magazines.
Upang matanggap ang bonus, ay kailangang gamitin ang isang App, ang 18app2020.
Narito ang proseso para sa registration:
- Kailangan ang SPID o ang Sistema Pubblico di Identità Digitale sa access sa App,
- Mag-register sa 18app,
- Ang sinumang kwalipikado ay matatanggap ang € 500 e-voucher.
Makakatanggap ba ng bonus ang mga kabataang hindi ipinanganak sa Italya?
Ang Bonus Cultura 2021 ay nakalaan sa mga kabataang ipinanganak sa Italya ng taong 2002 at nag-18 anyos noong 2020.
Ang mga dayuhang kabataan na residente sa Italya ay maaaring mag-aplay at makatanggap ng bonus kung:
- mayroong regular at balidong permesso di soggiorno,
- ipinanganak noong 2002 at nag-18 anyos noong 2021.