in

Bonus €150,00, kailan matatanggap? 

Papalapit na ang panahon ng pagtanggap ng € 150,00 bonus hatid ng Decreto Aiuti ter para sa mga beneficiaries na nakatanggap ng €200,00 bonus. 

Ang mga kategoryang tatanggap ng €150,00 bonus ay napapaloob sa teksto ng dekreto na inilathala kamakailan sa Official Gazette, kung saan nasasaad din ang petsa ng pagbibigay ng bonus. Sa detalye, ay nasasaad din ang parehong paraan ng pagbibigay nito, katulad ng €200,00 bonus. Samakatwid, mayroong ilang kategorya na matatanggap ito bago ang iba, at mayroon ring kategorya na awtomatikong matatanggap ito at ang iba naman sa halip ay dapat mag-apply.

Gayunpaman, ipinapaalala na ang bagong bonus ay hindi matatanggap ng lahat ng nakatanggap ng €200,00. Ito ay dahil sa bagong bonus ay ibinaba ang limitasyon ng sahod o kita upang maging kwalipikado sa pagtanggap nito: mula €35,000 sa €20,000. 

Kailan matatanggap ang €150,00 bonus ng mga lavoratori dipendenti?

Ang mga lavoratori dipendenti na ang halaga ng busta paga sa November 2022 ay mas mababa sa €1.538 gross (tinatayang humigit kumulang na €20,000 sa isang taon), ay matatanggap ang bonus kasama ang sahod ng buwan ng November. Samakatwid, karamihan ng mga lavoratori dipendenti ay matatanggap ito sa buwan ng December, maliban na lamang sa mga lavoratori dipendenti na natatanggap ang sahod sa parehong buwan.

Gayunpaman, ang mga lavoratori dipendenti ay dapat ipaalam sa employer/kumpanya na hindi sila tumatanggap ng ibang tulong pinansyal. Ito ay sa pamamagitan ng angkop na form na dapat ibigay ng worker sa employer, na maga-anticipate sa pagbibigay ng bonus sa busta paga. 

Kailan matatanggap ang €150,00 bonus ng mga colf at caregivers?

Ang €150,00 bonus ay matatanggap ng mga colf at caregivers sa November. Ito ay direktang magmumula sa Inps at hindi mula sa employer tulad ng mga lavoratori dipendenti. 

Ang bonus ay matatanggap ng mga colf at caregivers na nag-aplay at nakatanggap ng €200,00 bonus. Samakatwid, hindi na kakailanganin pa ang mag-aplay muli dahil ito ay awtomatikong matatanggap ng mga kwalipikado. 

Kailan matatanggap ang €150,00 bonus ng mga pensyonado?

Tulad ng nangyari sa €200,00 bonus, ang mga pensyonado ay ang unang kategoryangmakakatanggap ng bonus, at awtomatikong makakatanggap nito. Samakatwid hindi na kailangang magsumite ng aplikasyon.

Ito para sa mga tumatanggap ng assegno sociale: mula € 468,00 ay makakatanggap ng € 618,00; at invalidità civile ay makakatanggap ng halos €440,00. (PGA)

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 5]

4th dose o updated booster shot, boom sa Italya

Assegno di maternità dello Stato, mas maraming dayuhan ang makakatanggap!