in

Bonus luce at gas 2022, anu-ano ang mga requirements at paano mag-aplay?

Dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng enerhiya, ginawa ng gobyerno ng Italya na mas accessible sa nakakarami ang bonus luce e gas 2022. Sa katunayan, hanggang December 31, 2022 ay mas dadami ang mga benepisyaryo dahil sa pagtaas ng halaga ng itinakdang ISEE. Narito ang detalye.

Bonus luce at gas, ang mga requirements

Sa katunayan, ang sinumang may kita hanggang € 12,000 sa halip na € 8,265 ay makaka-access sa bonus ng luce at gas. 

Ang bonus ay bahagi ng decreto Bollette, at ito ay ipatutupad hanggang December 31, 2022. 

Samantala, ang ISEE para sa famiglia numerosa (hindi bababa sa 4 na dependents) na €20,000 ay nananatiling kumpirmado. Bukod dito, ang bonus ay matatanggap din kahit tumatanggap ng reddito di cittadinanza at pensione di cittadinanza. Ito ay matatanggap din kung mayroong may matinding kapansanan sa pamilya at gumagamit ng life-saving electromedical equipment.

Hindi na dapat mag-aplay ng bonus luce e gas at sapat na ang gawin ang Dichiarazione ISEE. Ang ISEE ay maaari ding gawin sa pamamagitan ng website ng Inps, sa CAF, upang mapatunayan na nakakatugon sa mga requirements na itinakda ng batas. 

Ang bonus, samakatuwid, ay direktang maa-accredit sa bill at may isang angkop na item na magpapakita kung magkano ang bonus at kung magkano ang natipid. 

Para naman sa mga indirect client, tulad ng mga may condominium gas supply, ang bonus ay matatanggap sa pamamagitan ng ‘bonifico domiciliato’ at maaari itong kunin sa Post Office.

Bonus luce at gas, paano matatanggap

Ang bonus luce e gas per disagio fisico, o sa pagkakaroon ng kapansanan, ay kailangang i-fill-up online ang aplikasyon at maglakip ng medical certificate mula sa ASL na nagpapatunay sa malubhang sitwasyon sa kalusugan, at sa pangangailangan na gumamit ng mga electro-medical equipment, ang uri ng equipment at ang oras ng gamit sa araw-araw at ang address kung saan naka-install ang equipment. Kailangan din ang dokumento at codice fiscale ng aplikante at ng pasyente, kung iba sa aplikante, at ang tinatawag na “Form B”. Ang aplikasyon ay dapat isumite sa awtorisadong CAF.

Ang bonus gas per disagio economico, ay kinakalkula batay sa laki o sa bilang ng miyembro ng pamilya,  ang gamit ng gas at ang climatic zone kung saan nakatira. Sa kasong ito, ang kabuuang halaga ng bonus ay nag-iiba mula € 28.21 hanggang € 146.51. (PGA)

Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 5]

Temperatura, aakyat hanggang 40° 

Assegno Nucleo Familiare 2022, sino ang makakatanggap?