in

Bonus Mobilità o bonus bici, extended ang application

bonus mobilità bonus bici extended application Ako Ay Pilipino

Extended ang aplikasyon ng bonus mobilità, na kilala rin sa tawag na bonus bici. Ito ay mababas sa official website ng Buono Mobilità 2020.

Sa katunayan, simula January  14 hanggang February 15, 2021, ay maaaring magsumite ng aplikasyon para matanggap ang refund ng hanggang € 500.00.

Sino ang maaaring mag-aplay sa nabanggit na extension?

  • Mga bumili ng monopattini, bisikleta at e-bike mula May 4, 2020 hanggang November 2, 2020;
  • Hindi pa nag-aaplay o nakatanggap ng benepisyo ng bonus mobilità;
  • May fattura o scontrino na magpapatunay ng pagbili nito.

Paano mag-aaplay:

  1. Mag-register sa website http://www.buonomobilità.it/ sa pamamagitan ng SPID;
  2. Ilagay ang mga sumusunod na datos; a) Personal datas ng aplikante; b) Halaga ng monopattino, bisikleta o e-bike; k) Fattura o scontrino; d) Bank details o IBAN kung saan ipapadala ang refund.

Ang refund na nagkakahalaga hanggang € 500 ay matatanggap sa pagtatapos ng extension ng aplikasyon o makalipas ang February 15, 2021. 

Tandaan na ang refund na matatanggap sa bonus mobilità o bonus bici ay katumbas ng 60% ng kabuuang halaga ng binili. Ito ay may maximum na halaga ng € 500.  

Ang ikalawang bahagi naman ay tumutukoy sa pagbibigay ng buono o voucher. Ang benepisyaryo ay maaari itong i-download sa pamamagitan ng App ng Ministero dell’Ambiente.

Para sa karagdagang impormasyon, maaaring makipag-ugnayan sa Servizio Clienti ng Ministero dell’Ambiente, 0657221. O sa URP, 0657225722 o sa pamamagitan ng email sa urp@minambinete.it.

(PGA)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Pagbabalik eskwela Scuola Superiore Ako Ay Pilipino

Scuola Superiore, handa na ba sa pagbabalik eskwela?

Resolusyon sa ipatutupad ng bagong DPCM Ako Ay Pilipino

Resolusyon sa ipatutupad na bagong DPCM, aprubado