in

Bonus Mutui para sa mga under 36, nasasaad sa decreto Sostegni bis

Bonus Mutui para sa mga under 36, nasasaad sa decreto Sostegni bis
Bonus Mutui para sa mga under 36, nasasaad sa decreto Sostegni bis

Ang bagong Sostegni bis decree ay naglalaman din ng bonus mutui per gli under 36 o bonus para sa mga kabataang nais bumili ng sariling bahay sa Italya. Sa katunayan, ay maaari silang bigyan ng 80% guarantee ng gobyerno para makabili ng bahay. Narito ang mga detalye. 

Bonus Mutui para sa mga under 36, ang detalye

Sa Sostegni bis decree, ay nadagdag ang benepisyo para sa mga kabataan na nais bumili ng kanilang unang bahay. Sa pamamagitan ng bonus mutui na nakalaan sa mga under36, sa katunayan, ang mga gastusin sa buwis sa pagpaparehistro, collateral at cadastral, ay tatanggalin. Napapaloob sa bagong dekreto pang-ekonomiya upang matugunan ang krisis sa ekonomiya na sanhi ng pandemya, ay idinagdag ang pagtatangal sa buwis sa pagpaparehistro at buwis sa mortgage. Kahit anuman ang kita o sahod ng aplikante. Gayunpaman, malinaw na ang mga aplikante ay dapat pa ring makatugon sa mga requirements, tulad ng edad: sa katunayan ay dapat na mas bata sa 36 taong gulang.

Partikular, ang State guarantee ng 80% sa housing loan o mutuo ay nakalaan sa mga kabataang walang kakayahang pinansyal. Ang makakatanggap ng bonus ay pipiliin batay sa ilang kriteryo tulad ng ISEE, na marahil na dapat ay mas mababa sa €40,000.   

Ayon sa mga ulat, ang Prima Casa Mortgage Guarantee Fund ay bibigyan ng karagdagang 55M euro, at ito ay palalawigin hanggang December 31, 2022. Ayon sa mga kalkulasyon, tinatayang sa pamamagitan ng mga bagong dekretong ito, sa pamamagitan ng pagbili ng isang bagong itinayong bahay na nagkakahalaga ng 200,000 euro, ay posibleng makatipid ng higit sa €8,000. Bukod sa matitipid dahil sa state guarantee, ay magkaka-access sa housing loan ng mas madali.  (www.stranieriinitalia.it)

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 4 Average: 3.5]

Decreto Sostegni bis 2021, ano ang nilalaman?

ISEE Ako Ay Pilipino

Mababa ang ISEE, narito ang mga dapat malaman