Inanusyo ng Ministry of Health ng Italya n handa na ang platform para makapag-aplay ng bonus occhiali 2023 ang mga pamilya na mayrrong ISEE na hindi lalampas sa € 10,000.
Bonus Occhiali 2023: aano at kailan dapat mag-aplay
Ang bonus occhiali 2023 ay maaaring i-aplay nang isang beses lamang para sa bawat miyembro ng pamilya.
Ang mga aplikante ay maaaring makapili sa pagitan ng dalawang paraan ng aplikasyon:
- isang voucher na nagkakahalaga ng €50,00 para sa bawat benepisyaryo, na dapat gamitin sa loob ng 30 araw mula sa date of issue nito,
- ang €50,00 refund para sa biniling reading glasses o corrective lens.
Ang aplikasyon para sa Bonus Occhiali 2023 ay maaaring isumite simula alas dose ng tanghali sa Biyernes May 5, sa pamamagitan ng pag-access sa www.bonusvista.it.
Para matanggap ang bonus ay kailangang mag-register sa link na nasa itaas, sa pamamagitan ng SPID, CIE (Carta Identità Elettronica), CNS (Carta Nazionale dei Servizi).
Ang €50,00 voucher ay i-iisyu sa pagsumite ng aplikasyon online at ito ay agad na magagamit ng isang beses lamang.
Para naman sa refund, na ang aplikasyon ay dapat isumite hanggang sa July 3, 2023, ay para naman sa pagbili na ginawa mula January 1, 2021 hanggang May 4, 2023. Ang bonus, na itinalaga ng batas ng December 30, 2020, n. 178, ay ibibigay hanggang sa maubos ang itinakdang pondong ng batas.
Bonus Occhiali 2023: Ang mga requirements?
Ang INPS, o National Insitute for Social Security ang magsusuri sa pagiging kwalipikado sa pagtanggap ng bonus.
Kailangan ang pagkakaroon ng Dichiarazione Sostitutiva Unica (DSU), kung saan tinutukoy na ang ISEE ay hindi lalampas ng €10,000.
Kailangan ding ilagay sa aplikasyon ang ilang mga datos tulad ng name, surname, codice fiscal, e-mail address, telephone number at ang mga datos ng miyembro ng pamilya na mag-aaplay ng bonus.
Dapat ding tukuyin ang bilang ng mga vouchers na dapat matanggap, na kinakalkula batay sa bilang ng mga miyembro pamilya na kwalipikadon sa bonus.
Samantala, para sa mga mag-aaplay ng refund, ay kailangang ilakip ang mga detalye ng invoice o commercial document. Kailangan ding ilagay ang VAT number, numero, petsa at halaga ng invoice.
Para sa mga shops owner na gustong iparehistro bilang punto vendita ang shop, ang platform ay aktibo simula noong nakaraang Huwebes, April 20. (PGA)