Aprubado na ang Bonus rottamazione TV 2021. Ito ay matapos pirmahan ni Italian Minister of Development Giancarlo Giorgetti ang dekreto ngayong araw upang ipatupad ito, na magpahintulot sa pagbili ng bagong telebisyon na aangkop sa mga new broadcasting standards, na may bonus na nagkakahalaga hanggang € 100.00. Hindi katulad ng naunang insentibo, na nananatiling balido pa rin at samakatuwid ay nakalaan lamang sa mga kwapilikado, ang bagong bonus rottamazione TV ay nakalaan sa lahat ng mga mamamayan dahil ito ay walang limitasyon sa ISEE.
Ang bonus rottamazione TV – paliwanag ng ministro – ay tumutulong sa mga mamamayan sa pagbili ng bagong telebisyon na aangkop sa new digital terrestrial broadcasting standards Dvbt-2 / Hevc Main 10. Ang bagong teknolohiya ay magpapabuti sa signal at magpapahintulot sa mga HD transmissions.
Ang bonus rottamazione TV ay tumutukoy sa 20% na diskwento sa presyo, hanggang sa maximum na €100 euro, na maaaring matanggap kapag nagpalit ng telebisyon na binili bago ang petsang Dec 22, 2018.
Sa katunayan, layunin ng bonus rottamazione TV ang hikayatin ang palitan ang mga telebisyon na hindi na angkop sa mga makabagong teknolohiya, upang masigurado ang proteksyon sa kapaligiran at ang pagsusulong sa circular economy sa pamamagitan ng tamang pagtatapon.