Pinalalawig ang Bonus Sociale 2022 para sa bill ng kuryente at gas! Sa katunayan ay pinalawak pa ng decreto aiuti bis ang mga benificiaries ng bonus upang matawid ang mataas na singil sa kuryente, gas at tubig. Ito ay isang panukalang hinangad ng gobyerno upang matulungan ang mga mas nangangailangan sa populasyon, o ang mga pamilya na mayroong mababang kita o malalaking pamilya na may 4 na anak o higit pa.
Bonus Sociale, ano ito at magkano ang “diskwento” sa mga house bills
Gaya ng nabanggit, ang bonus sociale ay isang tulong na itinakda ng pambansang batas, ngunit ipinatutupad ng Arera, ang Regulatory Authority para sa mga network ng enerhiya at gas. Para sa 2022 itinalaga ng gobyerno ang pagpapalawig ng decreto aiuti bis mula Sept. 30, 2022 hanggang sa katapusan ng taon, na inaasahang isasabatas ng susunod na Parliaymento matapos ang eleksyon sa Sept. 25.
Ang bonus sociale ay nagbibigay ng awtomatikong “diskwento” sa singil sa kuryente, gas at tubig, at samakatwid ay hindi ito ibibigay sa may karapatan at bagkus ay ibabawas sa kabuuang dapat bayaran sa operator (halimbawa Enel Energia o Eni-Plenitude).
Bonus Sociale 2022, sino ang maaaring mag-aplay at ano ang required ISEE?
Narito ang mga requirements sa pag-aaplay ng bonus sociale:
- ISEE na hindi hihigit sa €12,000, tulad ng inaasahan para sa 2022 ng decreto aiuti bis (o ang mga pamilya na may mula 4 na ‘dependent’ na anak o pamilay na tumatanggap ng reddito di cittadinanza);
- May kontrata para sa kuryente at/o gas para sa domestic use.
Awtomatiko bang matatanggap ang bonus sociale o dapat ba itong i-aplay?
Dapat na gawin ang DSU ISEE para matanggap ang bonus. Sa pagkakaroon ng nabanggit ay hindi na kailangan pang mag-aplay at ang bonus ay kikilalanin nang awtomatiko, matapos ang pagsusuri mula sa Inps at mula sa information system ng Arera. Ang komunikasyon mula sa mga service provider tulad ng Enel, Eni at iba pa, ay dumarating sa loob ng humigit-kumulang 1 buwan mula sa paggawa ng ISEE. Para sa mga direktang supply ang bonus ay matatanggap para sa mga susunod na bill. Samakatwid, ay depende rin sa panahon ng paglalabas ng bill mula iba’t ibang kumpanya.
Para sa karagdagang impormasyon, mga katanungan at alinlangan, bisitahin lamang ang website ng ARERA. Mayroon ding toll free number 800 166 654 at email address: info.sportello@acquerellounico.it.