in

Bonus Trasporto 2023, aplikasyon simula April 17

Ang digital platform para sa aplikasyon ng bonus trasporto 2023, ay aktibo mula 8am sa Lunes, April 17. 

Ang bonus trasporto ay itinalaga ng decreto Aiuti 2022 at muling pinondohan ng Aiuti-bis decree at ng pinakahuling decreto legge n. 5 ng January 14, 2023. Ang nakalaang budget para sa taong 2023 ay 100M euros. 

Maaaring ipadala ang aplikasyon sa website ng www.bonustrasporti.lavoro.gov.it. sa pamamagitan ng SPID o CIE. Ang bonus ay nagkakahalaga ng maximum amount na €60,00 kada buwan. 

Posibleng magsumite ng aplikasyon kada buwan at samakatwid para rin sa mga susunod na buwan sa pagkakaroon ng sapat na budget, ayon sa Ministry of Transportation.

Bonus Trasporto 2023: Sino ang maaaring mag-aplay? 

Ang bonus ay kinikilala sa lahat ng mga mamamayan na sa taong 2022 ay tumanggap ng kabuuang sahod na hindi lalampas sa €20.000,00. Ito ay maaaring i-aplay para sa sarili at para sa anak na menor de edad, sa website ng www.bonustrasporti.lavoro.gov.it. sa pamamagitan ng SPID o CIE at codice fiscale ng aplikante. 

Tandaan na ang bonus ay matatanggap sa pamamagitan ng voucher at ito ay nakapangalan sa aplikante. Ang voucher ang gagamitin para sa renewal o pagbabayad ng yearly o monthly subscription ng public transportation. 

Bonus Trasporto 2023: Paano matatanggap ang bonus? 

Sa pag-aaplay, ang aplikante ay gagawa ng autocertificazione ukol sa tinanggap na sahod sa taong 2022. Bukod dito, kailangan ding tukuyin ang transportation provider kung saan gagamitin ang bonus, halimbawa Atac sa Roma. 

Pagkatapos gawin ang aplikasyon ay makakatanggap ng QR code na gagamitin sa renewal o pagbabayad ng subscription. 

Ipinapaalala na ang bonus trasporto ay maaaring i-aplay isang beses sa isang buwan, pati sa mga susunod na buwan sa pagkakaroon ng sapat na pondo. 

Ang bonus trasporto ay nagkakahalaga ng maximum na €60,00 sa isang buwan. (PGA)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Bonus Psicologo, extended hanggang 2023

Dalawang bagong batas laban sa ‘lavoro nero’, pinirmahan ni Minister of Labor