in

Bonus trasporto 2023, may go signal na!

Nagbigay na ng go signal ang gobyerno ng Italya para sa €60 bonus trasporto ngayong 2023. Ang bonus ay nakalaan sa mga taong may kabuuang kita na hindi lalampas sa € 20,000 noong 2022. Layunin ng bonus na tulungan ang mga pamilya, estudyante at manggagawa na labanan at malampasan ang mataas na halaga ng enerhiya.

Ang bonus trasporto, na nasasaad sa decreto carburanti, ay may nakalaang 100M euros budget na magagamit ng mga indibidwal sa pagbabayad ng mga subscription para sa local, regional at inter-regional na mga pampublikong transportasyon, gayundin para sa national train transportation.

Upang matanggap ang bonus, ang aplikasyon ay dapat isumite hanggang December 31, 2023 sa website www.bonustrasporti.lavoro.gov.it. Ang bonus ay maaaring i-aplay para sa sarili o para sa mga menor de edad na anak bilang beneficiaries, gamit ang SPID o Carta Identità Elettronica (CIE). Ang codice fiscale ng beneficiaries ay kakailanganin. 

Gayunpaman, ang nabanggit na website para sa pagsusumite ng aplikasyon ay hindi pa aktibo, dahil ang Court of Auditors ay may 30 araw upang suriin ang decree. Dahil dito, ang bonus ay maaaring magsimula hanggang sa susunod na buwan.

Ang bonus trasporto ay kumakatawan sa isang mahalagang tulong para sa mga pamilya at mga manggagawang mababa ang kita upang malampasan ang mga gastusin sa public transportation, na lalong tumataas ang halaga dahil sa pagtaas ng presyo ng gasolina.

Ang bonus trasporto ay makakahikayat din sa paggamit ng pampublikong sasakyan, at sa gayon ay mababawasan ang epekto sa kapaligiran ng mga pribadong sasakyan.

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 4]

Alamin ang pagkakaiba ng Carta di Soggiorno at Permesso UE per lungo soggiornanti. Kailan dapat gawin ang Aggiornamento?

Isa pang Decreto Flussi 2023, isinusulong ng mga asosasyon