in

Bonus Trasporto ng Decreto Aiuti, para sa mga manggagawa at mag-aaral 

Pagbabawal magpunta sa ibang Rehiyon Ako Ay Pilipino

Napapaloob din sa huling draft ng Decreto Aiuti ang Bonus Trasporto na nagkakahalaga ng €60,00 para sa mga manggagawa at mga mag-aaral.

Ang bagong transportation bonus ng decreto aiuti ay tulong para sa mga commuters ng bus, subway at tren.  Ang mga manggagawa at mag-aaral na mayrong mababang sahod o kita ay makakatanggap ng diskwento  sa mga pampublikong sasakyan. Layunin nito ang makatulong sa mabigat na epekto ng caro-energia.

Ayon sa pinakahuling draft ng probisyon, na muling sasailalim sa pagsusuri ng Konseho ng mga Ministro para sa ilang mga teknikal na pagbabago, ang halaga ng bonus ay inaasahang € 60,00 billing diskwento sa subscription ng public transportation. Ito ay ibibigay sa mga manggagawa at mga mag-aaral na may kita na hindi hihigit sa 35 thousand euros sa isang taon.

Paano matatanggap ng Bonus Trasporto? 

Maglalaan ng 100 milyong euro na pondo ang Ministry of Labor. Ayon pa sa draft, ang voucher ay magtataglay ng pangalan ng tatanggap ng bonus. Ito ay maaaring gamitin sa pagbabayad ng isang subscription lamang at ito ay non-transferable. Ang ministerial decree ang maglalaman ng implementing rules at guidelines nito. 

Ang bonus ay matatanggap hanggang sa katapusan ng taon. Tinukoy din sa draft na ang 1 milyong euro ng pondo ay tiyak na gagamitin para sa paglikha ng angkop na platform para sa pagiisyu ng voucher. (PGA)

Basahin din:

Bagong bonus na € 200,00 – paano mag-aplay at kailan matatanggap?

Click to rate this post!
[Total: 6 Average: 4.2]

Pagsusuot ng mask sa workplace, mandatory pa ba sa Italya? 

Bakuna kontra Covid variants, inaasahang aaprubahan hanggang September 2022