in

Bonus, Voucher at Tulong sa Pamilya, ang nilalaman ng Decreto Cura Italia

Inaprubahan kahapon, March 16 ang bagong Decreto Cura Italia. Ito ay may pondong 25 billion euro na tinatawag ding nuovo decreto economico o decreto legge anti-Coronavirus, na naglalaman ng iba’t ibang hakbang mula sa pansamanatalang suspensyon ng mga bayarin hanggang sa tulong sa mga pamilya, kumpanya at manggagawa na lahat ay nakakaranas ng pagkabahala at pangamba sa panahon ng krisis dulot ng coronavirus.

Matatandaang bago pa man tuluyang aprubahan ang decree ay una ng inanunsyo ni Giuseppe Conte, ang kasalukuyang Prime Minister ng Italya “Walang mawawalan ng trabaho dahil sa covid19”.

Narito ang ila sa nilalaman ng decreto Cura Italia

TULONG SA PAMILYA (Congedo parentale at voucher baby sitter)

Ito ay tumutukoy sa 15 araw na leave kung ang isa sa mga magulang ay hindi tumatanggap ng anumang uri ng sostegno al reddito. 

Ang private employees at mga self employed naman na may mga anak na menor de edad ay maaaring piliin ang “voucher babysitter” o ang tulong sa pammagitan ng isang voucher na nagkakahalaga ng € 600 para sa baby sitters. Ang aplikasyon ay isusumite sa Inps at ang benepisyo ay matatanggap sa pamamagitan ng ‘libretto di famiglia’. 

LAVORATORI DIPENDENTI PUBBLICI E PRIVATI

Nasasaad din na para sa mga lavoratori dipendenti pubblicic at privati na ang kabuuang sahod ay hindi hihigit sa 40,000 kada taon ay makakatanggap ng bonus na nagkakahalaga ng € 100. Sa kundisyong nanatiling nagtrabaho sa buwan ng Marso. Kung ang worker ay nag-trabaho lamang ng kalahati sa buwan ng Marso, ay kalahati din ng halaga ng bonus ang matatanggap o € 50,00. 

DOMESTIC JOB 

Ang pagbabayad ng contributi Inps ay pansamantalang suspendido hanggang May 31, 2020. Ang kontribusyon ay nakatakdang bayaran ng mga employers para sa buwan ng January, February at March ay maaaring bayaran hanggang June 10, 2020, ng walang anumang multa.

VIETATO LICENZIARE

Sa susunod na dalawang buwan ay pansamantalang ipagpapaliban ang pagtatanggal sa trabaho batay sa ‘giustificato motivo oggettivo’ tulad ng pasasara ng bar, kawalan ng orders at iba pa). Ito ay tumutukoy sa petsang mula Feb 23, 2020. 

Para sa mga workers na nasa quarantine o self isolation ay kumpirmado na ituturing ang panahong ito bilang ‘malattia’ o sick leave.

VALIDITY OF DOCUMENTS

Ang sinumang expired na ang Cart d’Identità ay maaaring gamitin ito hanggang August 31, 2020. Ngunit hindi ito maaaring gamitin sa paglabas ng bansa dahil ang validity ng nasabing dokumento ang kinokonsidera dito. Sa halip ay pasaporto lamang ang magagamit. 

RIMBORSI BIGLIETTI (Ticket refund) 

Ang sinumang bumii ng ticket para sa show, concert, museum, cinema at theaters at hindi ito nagamit dahil sa naging kautusan ng gobyerno, ay kailangan hingin, sa loob ng 30 araw simula ng pagpapatupad ng decreto, ang refund sa binilan nito, lakip ang anumang resibo ng pinagbayaran. Ang ticket seller, sa loob ng 30 araw, ay magbibigay naman ng voucher katumbas ng halaga ng pinagbayarang ticket. Ang voucher ay maaaring gamitin sa loob ng isang taon. Parehong regulasyon ang nakalaan para sa airline ticket at anumang tourist packages na una ng nabanggit sa decreto ng march 2 kung saan nasasaad ang pagbibigay ng pagkakataong papiliin ang mga guests: isang panibagong package, refund sa loob ng 14 na araw o voucher na magagamit sa loob ng 1 taon.

PACCHI E RACCOMANDATE 

Ang mga post man ay nananatiling magdadala ng mga sulat, abiso at packages sa reciever matapos masiguro ang presensya nito, nang hindi na kakailanganin pang pirmahan at ilalagay na lamang ito sa postal box ng tahanan, tanggapan o kumpanya. 

Bukod sa mga nabanggit ay nilalaman din ng decreto Cura Italia ang suspensyon sa pagbabayad ng cartelle rottamate hanggang May 31, 2020 at iba pa. (PGA)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Mula Ministry of Interior, ang bagong form ng Autocertificazione

COVID-19, Mundo’y lisanin na